25

44.4K 912 46
                                    





Chapter 25


"Mr.Snowman naman..ang galing mong magjoke.." Natatawang sabi ko.



"Ako mamahalin niya? Eh mukha ngang baliw na baliw siya dun sa babaeng dahilan ng break up nila ni Elle.." Pagsusumbong ko.



[Mahal ka niya. Seryoso ako, hindi ako nagbibiro.] Napansin kong tatanggalin niya yung mascot sa ulo niya pero biglang nag ring ang cellphone ko kaya naman sumigaw ang librarian namin!


Kaagad kong pinatay ang phone ko! Shete nakalimutan ko palang i-silent mode!

"Sorry Mr.Snowman ha? Pero kailangan ko ng umalis.. Nailabas ko na yung sama ng loob ko kaya kahit 2 subject nalang papasok pa rin ako." Sabi ko sakanya, pero hinila niya ang kamay ko.

Sobrang tagal na niyang hawak ang kamay ko at dun ko lang napansin na parang nababalisa naman ang isang kamay niya sa sahig.


"A.." Nanlaki ang mata ko ng subukan niyang magsalita.

"Go Mr.Snowman!" Sigaw ko.

Pero bigla siyang umiling iling at nagtype nalang ulit.


[Basta. Mahal ka niya. H'wag ka ng malungkot.]

Ngumiti ako.

"Salamat talaga sa pag aalala mo Mr.Snowman.." Sabi ko, may kinuha siya sa bulsa ng mascot, inilagay niya yon sa kamay ko. Isang kwintas na ang pendant ay snowman.

"Thank you Mr.Snowman!" Magiliw na sabi ko, tumayo na ako at isinuot yung kwintas, saka nagpaalam na ako sakanya.


Paglabas ko ng library sinalubong kaagad ako ni Stan.


"Na-nandito ka pala. Akala ko absent ka?" Pagtataka niya.


"Absent naman talaga ako Stan! Pero papasok pa rin ako sa dalawang subject." Sabi ko sakanya.


Pero napansin kong nakatingin si Stan sa suot kong kwintas at nakakunot ang noo niya.


"Saan galing yan?" Tanong niya.


"Ah wala, sa kaibigan ko lang.." Nakangiting sagot ko saka pumunta na ako sa classroom namin.

Nandun na ang biology teacher namin, maya maya lang halos magkasabay na pumasok si Stan at Shane.


Nginitian ko nalang si Shane ng tumabi siya saakin kahit na medyo naiilang na ako.


"Okay class, kung sino yung katabi niyo siya yung magiging partner niyo sa pag disect ng palaka." Pag explaine ng Prof namin.


Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon