Chapter 2 -- When I Look At You

44 0 0
                                    

Ilang araw na rin ang nakakalipas since nung pumasok si Gk sa new University niya. So far, okay pa naman. Naiirita lang siya minsan kina Veronica. Pati na din kay Jared lagi kasi siya nitong tinitignan, kaya naiilang siya. Kapag ang ibang tao ang tumitingin sa kanya okay lang pero kapag si Jared naiilang talaga siya.


Nakaupo si GK sa bench, nakikinig siya sa kanyang Ipod nang lapitan siya ni Jared. Kahit na linapitan na siya nito hindi pa rin niya ito tinitignan.


"Hi." Bati sa kanya ni Jared pero hindi niya ito pinansin. "Hi, hello." bati ulit ni Jared. Pero deadma pa rin. Napakamot tuloy sa kanyang ulo si Jared. Inalis niya ang isang earphone ni GK para marinig siya nito pero biglang kumunot ang noo nitong si GK.


"Ano ba'ng problema mo?" Inis na tanong ni GK.


"Okay kanaba?" Tinanggal ni Gk ang isa niya pang earphone pagkatapos tumayo siya at hinarap si Jared.


"Do I know you?"


"Ako si Jared, classmate tayo, diba? Ikaw si Gothica." Nag smile pa siya. Pero walang ekspresyon ang mukha ni GK. "Hindi mo ba'ko na aalala? Nung Sunday night?"


"Hindi!" Naglakad na siya palayo, pero sinundan pa rin siya nitong si Jared.


"Uhm... Gothi---"


"Look, kung naghahanap ka ng makakausap mo, huwag ako. 'cause Im not even interested. You got that?" Stupid!


"Nakikipag kilala lang naman ako, anong masama do'n?"


"Get a hint, ayoko sa'yo. Ayaw kitang makilala." Duh! Naglakad na siya palayo kay Jared.


Hindi siya sanay na nakikipag close o nakikipag kaibigan sa kanya ang ibang tao. Feeling kasi niya pina plastic lang nila siya, kaya siya na ang umiiwas. Okay lang konti ang kaibigan basta totoo.


Wala naman siyang nakikitang masama kay Jared, katunayan magaan ang pakiramdam niya dito pero parang may part sa kanyang nagsasabing iwasan niya ito.


Since nung pumasok sa University na'to si GK, lahat na lang siya ang pinag uusapan. Kapag dumadating siya, siya na lang lagi ang tinitignan. Lahat na lang ng outfit na suotin niya pinag uusapan.


"Why don't they just say it straight to my face? Pag nakarinig pako ng isa pa, ma lilintikan talag sa'kin ang mga babaeng 'to." Limang segundo lang ata ang lumipas at narinig niya nga ulit yun mga babaeng nagsasabi ng mga bad comments sa kanya. Kaya nilapitan na niya ang mga ito.


"This is what you called fashion." Sabay taas ng kilay niya sa tatlong babaeng pinaparinggan siya. "Wala ba kayong alam sa fashion? Kung sa bagay halata naman sa mga itsura niyo na wala kayong taste." Tinignan niya yung mga babae from head to foot. "Tignan niyo nga yang mga suot niyo, ang ba-baduy. Sa'n ba kayo nag sha-shopping? Sa ukay-ukay? Kawawa naman pala kayo." Tsaka siya ngumiti ng matalim.


"Naku, tara na nga." Yaya nung babae sa mga kasama niya at dali dali na silang umalis sa harapan ni GK.


"Candy Cane bitches!."


Nasa may corridor pala sina Jared at Mart at nakita nila ang mga pangyayari. Si Mart namamagha at na aastigan talaga. Si Jared naman nakatingin lang sa kanya. Hindi mo mawari kung ano'ng ibig sabihin ng tingin niyang 'yon.


"Hi, Gothica."


"People often call me GK, not Gothica." Mataray niyang sabi. Bigla na lang siyang napatingin kay Jared, pero bigla din siyang nag iwas ng tingin dito at pumasok na siya sa loob.


Suicide LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon