Chapter 3 -- Miserable At Best

26 0 0
                                    

Kanina pa pinagmamasdan ni Jared si Gk na nooy ay nakaupo sa lilim ng puno habang nakikinig sa ipod nito at may isinusulat sa notebook niya.


Bakit ba napaka misteryosa mo? Ano bang meron sa'yo? Naputol lang kanyang pag iisip nang lapitan siya ni Mart.


"Kung ice cream lang si Gk, malamang kanina pa siya natunaw." Tinignan niya din si Gk. "Intresado kaba sa kanya?" Diretsang tanong ni Mart.


"Gusto ko lang siyang makilala ng lubusan."


"Wow! Getting to know each other stage."


"Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi may responsobilidad na'ko sa kanya mula nang makita ko siya sa bar. Ayokong gawin niya ulit yung balak niya nun. Gusto ko makita ko siyang masaya."


"Responsibilidad? Big word. Ano ka niya? Boyfriend? Asawa? Haynaku, iba nayan. Talagang gusto mo na siguro siya." Umiiling iling pa itong si Mart.


Makita lang kitang nakangiti, kahit minsan lang, okay na sa'kin yun. Gagawa ako ng paraan para magkasundo tayo.


Pag uwi sa kanila ni Gk nakita niyang masayang nag tatawanan sa sala ang kapatid niya at ang kanyang Mommy. Nakaharap pa sa laptop niya si Carlisle habang sa sofa nakaupo ang Mom niya. Marami ding snacks sa table nila. Sandaling tumigil si Gk at tinignan ang dalawa.


Kung magtawanan sila para silang mga baliw. I really hate them, forreal! Kaya nga ayokong umuwi sa bahay dahil sa kanila. Hindi pa man siya nakaka akyat nang makita siya ni Carlisle.


"Ate, kumain kanaba?"


"Napansin mo pala ako. I thought I was invisible." Sarkastikong sabi niya.


"Buti naman hindi ka ginabi ngayon." Sabi sa kanya ng kanyang Ina.



"Oh, sorry. My bad. Don't worry, simula bukas gabi na'ko uuwi." Pilosopong sabi niya.


"Kahit kailan pilosopo ka talaga."



"This is non sense." Sabay kumpas ng kanyang kamay, ni hindi man lang niya nilingon ang kanyang Ina.


"And you're non nense."


"Mom?" Alalang sabi ni Carlisle. Baka kasi mag away na naman ang dalawa at ayaw niyang mangyari 'yon.


Nakaramdam ng kirot si Gk sa puso niya. Alam niya nasaktan siya sa sinabi ng kanyang Ina. Gk, you're already used to it. Kaya dapat wala lang sa'yo yun. Pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Hindi na lang niya pinansin ang kanyang Ina at nag tuloy-tuloy na siya sa kanyang kwarto.


"Ever since the day that Daddy died hindi na kayo nagkasundo ni Ate. And you're blaming her for Daddy's death, well in fact she had nothing to do with it."


"Kapag nakikita ko siya, lagi ko lang naaalala ang nangyari sa Daddy mo." Tsaka niya pinag krus ang kanyang mga braso.


"Mom, be fair to her. Nagkaka ganyan si Ate ng dahil na rin sa inyo."


Hindi sumagot si Mrs. Diorama. Close sila ni Gk nung buhay pa ang asawa niya. They are a picture of happy family. Until one day that picture suddenly broke. End of happiness.



Dahil sa badtrip ni Gk umalis siya ng bahay at nagtungo sa bar ng mag isa. Uminom siya ng uminom.


Tinatawagan niya ang mga old classmates niya pero ni isa sa kanila walang sumsagot. They are all plastic. Shit! Kung kailan kailangan niya ng makakasama dun sila wala. Well, that only means hindi talaga sila totoong kaibigan.


Suicide LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon