Chapter 36

56.4K 1.6K 188
                                    

Ces' POV

"Hoy ikaw Homme may kasalanan ka pa sakin ha! Bakit mo namang sinugod yung Ruzz na yun? Paano na lang kung napahamak ka? Buti na lang mas mabilis ka sa kanya kundi ikaw na ang nabaril nun-"

"Bakit parang ibang klaseng pag-aalala naman ata yang pinapakita mo?"

Halata na ba masyado?

"Whatever. Kelan mo naman sasabihin kila tito yung nangyare aber?"

"I still don't know but soon."

"Eh? Sabihin mo ng itinago mo yung tao para naman alam nila diba?"

"I can't. Magagalit sila kapag nalaman nilang gumagawa tayo ng sarili nating plano."

"Tayo? Hoy ikaw dinamay mo pa talaga ko ha! Wala na nga akong kaalam-alam diyan sa mga binabalak mo tapos tayo? Sus. Mahal ko pa ang buhay ko!" Napahinga ko ng malalim. "Baka mabaril na ko ng mga magulang mo kapag nalaman nilang may alam ako. Katakot pa naman sila."

Nagulat ako when he held my hand. "Don't you remember my promise? I will always protect you no matter wha happen." I don't know why but when I looked at his eyes my heart beat fast.

Inalis ko ang kamay ko na hawak niya tsaka tumingin sa labas ng bintana. "Saan mo na naman ba ko dadalin Dawson?"

"Secret." Masayang sabi niya.

"Asus! Napaghahalataan ka na ha. Gusto mo lang akong masolo e. Yieeeee!" Kiniliti ko siya sa tagiliran pero agad niyang nahuli ang kamay ko.

"Yes. I want to be with you today because I missed you.. so much." And for the second time, bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Tumawa ako to ease the tension between us. "HAHAHA. Nagiging masyado ka na atang palabiro Homme!"

"I'm serious Ces. Very serious." Napatigil ako sa kakatawa.

Ano ba tong sinasabi ni Homme. "Sabi ko na nga ba e! May gusto ka na sakin no? Pakipot pa e. Amin na kase na mahal mo ko! Yieeee! Aamin na yan. Love niya ko!" Pangungulit ko.

"Stop it Ces. Wala akong aaminin okay?"

"Wala daw. Eh namimiss mo na nga ako e. Diyan nagsisimula yan. Yieeee!"

"I'm not inlove with you okay?" Ouch.

Wait, did I say ouch? Teka.. nasaktan ako dahil hindi niya ko gusto? Am I the one who's inlove with him?

Ako naman ang napatahimik. This can't be. I should not fall for this man beside me because he can and he will never reciprocate my love for him.

I slowly wiped the tears fell on my cheek. Ayoko malaman niya. Ayokong mahalata niya na nasaktan ako.

"Ces?" Ipinikit ko ang mga mata ko. "Hey Ces.." Tulog ako Homme. Tulog ako. "I know you're awake. Can you look at me first?" He parked his car. "Look at me first.." Iniharap niya ang mukha ko sa kanya kaya napilitan na din akong idilat ang mga mata ko. "Naalala mo pa ba yung araw na sinabihan kita na you're not my type and I will never fall for you? Can you just delete that on your memory? Kase kagaya ng palaging sinasabi sakin ng ibang tao, kinakain ko na ang mga sinabi ko.. I'm now starting to fall for you Ces.. I don't know if you can call this love already but what I'm sure of is that I totally like you.." I'm totally speechless. Should I tell him I like him too? "You don't have to answer me right now.. I just want you to go out on a date with me.."

"Ehem!" Sabi ko ng makabawi. "You're not giving me any option Mr. Yabang!"

"Yes I don't Ms. Stalker." Pinisil niya ang ilong ko. "Because wether you like it or not, you will be mine.. Mine alone."

***

#Cemier

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon