11th

137K 2.3K 28
                                    

Zoe Kaila Esteban

"Zoe, kanina ka pa tulala diyan." Nabalik naman ako sa ulirat nang bigla akong tapikin ni Shine. Umiling ako saglit at bahagyang napabuntong hininga.

"May problema ba?" Tanong nito sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"W-wala naman." Sagot ko sa kaniya at umayos ng tayo.

"Kanina ka pa kasi tulala. Hindi ka rin umiimik." Sabi nito sa akin.

Matumal ang fast food ngayong araw, wala masyadong kumakain kaya naman kaunti lang ang taong sineserve namin. Ako at si Shine ngayon ang naka-toka pansamantala na magkahera dahil naka-break ang iba naming kasama. Si Carlo naman ay nakahiwalay sa amin dahil nasa kitchen siya.

"Kumusta ang naging check-up niyo kay Joshua?" Tanong ulit nito sa akin. Kinabukasan matapos ng araw na nagpa-check up si Joshua ay pumasok na muli si Shine at mukhang mabuti naman na ang lagay nito.

"Ayon, mag-endoscopy siya this coming Tuesday." Sagot ko kay Shine.

"Wala pa siyang initial na diagnosis talaga pero mataas na posibilidad na may Ulcer s'ya." Dugtong ko at napabuntong hininga.

"Okay na ba ang endoscopy? Magkano kailangan mo para makabigay na ako mamaya." Tanong nito sa akin.

"Iyon nga nakakagulat e, bayad na siya noong pag-punta namin doon." Kumunot naman ang noo niya sa aking sinabi.

"Paano? Edi sino raw ang nag-bayad?" Tanong nito sa akin. Halos siya ay hindi rin makapaniwala.

"Noong una kasi akala ko si Carlo pero noong tinawagan ko, hindi raw siya. Ayaw sabihin ng doctor o clinic kung sino." Sabi ko sa kaniya at bahagyang pinunasan ang gilid ng aking monitor.

"Sino kaya iyon? Napakabuti naman niya kung gano'n." Sabi nito at bahagyang ngumiti.

"Oo nga, nabawasan kahit papaano iyong babayaran ko." Bahagya naman akong napangiti. Bigla ko ulit naalala ang inipon kong pera na ninakaw ni Mama sa akin para kunwari ay bilhan ng mga damit at gamit ang mga kapatid ko.

"Oh bigla ka na namang sumimangot?" Sabi ni Shine at bahagya akong siniko. Muli akong napabuntong hininga.

Tumalikod ako saglit sa aking monitor at pinunasan ang luha na bahagyang namuo sa aking mga mata. Napansin naman ito ni Shine kaya marahan niya akong hinarangan para takpan ako habang inaayos ko ang aking sarili.

"Ano ba nangyari? Alam mo namang puwede kang mag-kwento sa akin." Aniya at marahang hinagod ang aking likod.

"Si Mama kasi—" hindi ko naman napigilan ang aking sarili at napaluha.

"Zoe..." pasimple naman akong binigyan ni Shine ng yakap.

"Ano na namang ginawa ng Mama mo?" Tanong nito sa akin. Kumawala naman siya sa akin dahan-dahan nang maayos ko muli ang aking sarili.

"Nagi-ipon kasi ako ng pera para sa pag papagamot ni Joshua. Supposedly, para iyon sa pagkain na bibilhin ko para kay Joshua para hindi na lumala pa ang nararamdaman niya." Panimula ko ng kuwento. Tahimik naman si Shine na nakikinig sa akin.

"Akala ko makakahinga ako nang maluwag dahil nabayaran na ang endoscopy ni Joshua at iyong inipon ko ay para na lang sana pangkain namin at iba pang bayarin kaso ninakaw ni Mama." Hindi ko napigilan ang sarili ko na maiyak muli. Tumalikod akong muli at mabilis na pinunasan ang mga luha ko na naguunahang pumatak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 4 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Guns and Obsession (Guns Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon