16

13.8K 389 20
                                    


Yazzy's Pov

Ilang araw na simula yung pangyayaring iyon.Nalaman ko na fiance na pala ni Thunder yun,hindi niya man lang sinabi sakin.Masakit?Oo,kasi sinabi niya na mahal niya daw ako pero sa isang iglap nawala agad lahat.

"Sigurado ka na ba talaga Yazzy?"tanong ni Sara sakin.Ngumiti ako at tumango.May kumuha sakin na model sa Korea at tinaggap ko naman.At first ayoko pa pero nung nalaman ko na ikakasal na pala ang Boss ko na Ex ko.Tinaggap ko.Para naman makalayo layo narin ako.

Pumunta ako sa tapat ng office niya.Kakatok na sana ako pero naibaba ko din ahad ang kamay ko.I sighed then knocked.

"Come in."rinig kong sabi niya.

Pumasok ako sa office niya.Kita ko naman ang mga paperworks sa lamesa niya.

Naglakad ako papunta sa harap niya.

"What is that Yazzy?"tanong niya habang nakafocus sa paper works.

Inilagay ko ang resignation letter sa tapat niya.Napatigil naman siya sa pagbabasa at tinignan yung letter.Nagtataka naman niya akong tinignan.

"Magreresign ka?"tanong niya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"O-Oo."sabi ko sa kanya.

Tumayo siya at lumapit sakin,hinawakan niya yung braso ko.

"Dahil ba to sa wedding?"tanong niya.Tumingin ako sa kanya.

"Hindi.Masaya pa nga ako sa kasal niyo Sir Dale eh,congrats nga po pala."sabi ko at pilit ng ngumiti.

"Hindi ka aalis Yazzy."sabi niya.

Tinignan ko ulit siya.

"Sino ka ba sa buhay ko?Bakit ba mas marunong ka pa sakin?Magreresign ako,dahil gusto ko."sabi ko sa kanya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Aalis na sana ako ng hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Yazzy,don't leave me.."mahinang sabi niya.

Tinignan ko ulit siya.

"Ikakasal ka na Thunder.Kaya please...layuan mo na ako.Wag mo na akong kausapin.Wag mo na akong lap---"napatigil ako sa pagsasalita ng lumuhod siya.

"T-Thunder ano ba?Tumayo ka nga!"sigaw ko.Pero nanatili siyang nakaluhod at nkahawak sa kamay ko.

"D-Don't leave me."umiiyak na sabi niya.Hindi ko alam pero umiiyak na rin pala ako.

"T-Thunder...please.."sabi ko at tinaggal ang kamay niya mula sa pagkakahawak at tuluyan ng umalis sa office niya.Bago ko isara ang pinto tinignan ko muna siya na nanatiling nakaluhod.

Iniwas ko ang tingin ko at isinara na ang pinto.

Goodbye Thunder.Sana maging masaya na kayo ng fiance mo.

********

My Boss Is My Ex-boyfriendWhere stories live. Discover now