Chapter 43

329K 3.7K 220
                                    


Chapter 43

KEI'S P.O.V

Buong kasal namin wala akong ibang ginawa kundi ang maiyak at ngumiti sa tuwing magsasalita si Kyle... Hindi ko akalain na ikinasal na kami ngayon, suot-suot ko pa rin ang isang green na gown na talagang sukat na sukat sa katawan ko kahit na buntis pa ako... Napangiti ako ng mag echo sa utak ko ang ibinulong niya sa akin kanina.

"Kabisado ko pa rin ang buong katawan mo kahit buntis ka..."

Si Marie ang nag-makeup sa akin, medyo nahirapan nga siya dahil yung luha ko ayaw tumigil sa pagtulo... Si Jade at Jelly naman sa buhok ko, at sila Mama naman ang tumulong sa akin na suotin ang gown ko ngayon... Bukod sa pagkakaroon ko ng isang Kyle Cando sa buhay ko, isa na rin ito sa pinakamasayang pangyayari sa akin, ang ikasal sakanya...ang ikasal sa lalaking nagpatibok ng puso ko ng sobra sobra.

Maingat niyang hinapit ang bewang ko habang nagsasayaw kami sa gitna, panay rin ang kantiyawan ng mga bisita saamin...

"H'wag ka ng umiyak baby...Iisipin ko niyan ayaw mo akong pakasalan..." Natatawang biro niya sa akin... Nginitian ko siya, hinalikan ko ang gilid ng labi niya at kitang kita ng dalawang mata ko kung paano siya mamula... Hindi ako makapaniwala, itong lalaki na ito nagba-blush dahil sa akin...

"I'm so happy baby..." Bulong ko, lumapad ang ngiti sa labi niya...

"Yun naman ang gusto kong mangyari habang buhay, ang makita kang masaya na ako ang dahilan..." Nakangiting sabi niya sa akin, Lord sobra sobrang blessings na talaga 'to! Maraming salamat po!

"At hindi ka naman nabigo Kyle...ikaw lang ang nakapagpasaya sa akin ng ganito, I promise...magiging mabuting asawa ako sayo...at higit sa lahat...sayong sayo na talaga ako Kyle... Sayo lang..." Humihikbing bulong ko... Humigpit ang paghapit niya sa bewang ko at hinila niya ako palapit sakanya para yakapin...

"Jesus...I love you so much baby..." Mariin na sabi niya at mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin, napapikit ako ng maramdaman kong dumampi ang mainit niyang labi sa leeg ko... Napangiti ako ng marinig ko ang pagkalampag ng mga baso... Mabilis siyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako sa mata.

"KISS! KISS!" Sunod sunod na sigawan ng bisita namin, nangunguna pa pagsigaw sila Jade.

"Pano ba yan baby...kiss da—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya! Kaagad akong nagtip toe at inabot ang labi niya ng labi ko, naramdaman ko ang pagform ng smile sa bibig niya... Humaplos ang mainit niyang palad sa likod ko, isinabit ko ang braso ko sa leeg niya... Dahan dahan niya akong itinaas sa paa niya para mas lalong maabot ang labi niya... Alam kong hindi panaginip ang lahat ng 'to, dahil rinig na rinig ko ang pag uusap ng puso naming dalawa ngayon na halos sabay ang pagwawala. Dahan dahan na paghalik pero mariin at punong puno ng ingat... Siya na rin ang kusang bumitaw sa halik namin, pinagdikit niya ang noo naming dalawa, nakapikit ang dalawang mata niya at nakangiti siya.

"Sa lahat ng babaeng nahalikan ko, yung labi mo ang pinakamasarap halikan... Nakakaadik, nakakabaliw...Nakakawala sa sarili." Nakangiting bulong niya sa akin, inilapat ko ulit ang labi ko sakanya at sandaling hinalikan iyon.

"H'wag kang mag alala Kyle...dahil pinapangako kong araw araw may halik kang matatanggap mula sa akin..." Masayang sagot ko sakanya, mabilis niyang iminulat ang mata niya.

"Promise?" Paninigurado niya...

"I promise baby..." Nilambingan ko ang pagkakasabi non na naging dahilan ng pagtawa niya.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon