Chapter 30

1.2M 25K 9.3K
                                    

Chapter 30

Ang Chocolates

Mahimbing ang tulog ni Jayden sa gabing iyon. Ako naman, puyat na puyat dahil sa kamay niyang nakapatong sa tiyan ko.

Kaya naman, kinaumagahan ay tanghali na ako gumising. Nilingon ko agad ang katabi ko at nakitang wala na siya roon. Busy talaga siya. Mamaya na rin kasi iyong party ng staff. Tapos may bukas pa.

Dahan-dahan akong bumangon saka hinawi ang buhok ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto.

"Gising ka na pala." Bumuntong hininga siya at nagmadaling pumasok sa loob.

Naka longsleeve na puti siyang ni-fold niya hanggang siko. Napatingin ako sa relo at nakita kong alas diyez na pala ng umaga.

"B-Ba't di mo ako ginising?" Tanong ko.

"I want you to rest." Aniya habang hinahalungkat ang mga kubyertos sa kitchen.

Kumunot ang noo ko at tumayo sa pagkakaupo sa kama.

"Tapos na akong mag breakfast kaya magbreakfast ka na rin." Aniya habang nilalapag ang mga pagkain sa mesa.

"B-Bakit mo ako pinaghahanda?" Tanong ko at nilapitan ang mesa.

Nagkasalubong ang kilay niya at tinitigan ako ng matalim, "Masama ba?"

"Pero may trabaho ka pa. Naiinitindihan ko naman kung hindi mo ako mapapakain."

"Hindi ko maiintindihan iyon. Kung mahal ko, pagsisilbihan ko. Walang trabahong mauuna." Malamig niyang sinabi.

Ngumuso ako. Bakit kahit malamig ang tono niya ay napapangiti ako sa mga sinabi niya?

"Okay." Sabi ko sabay upo sa upuan at hinarap ang mga pagkain.

"Eat well. Balik lang ako sa trabaho." Aniya. "And... magtrabaho ka na rin. Nakakaantok mag isa sa opisina." Ngumisi siya sakin.

"Alright." Sabi ko nang nag iiwas ng tingin.

I still don't know how to react when he's being sweet.

Kaya pagkatapos kong kumain, maligo at magbihis ay dumiretso na ako sa opisina niya. Hindi naman pala siya mag isa dito, andito ang mga supervisors, si Christian, si Wesley at marami pang iba.

Nagmemeeting ata sila. Bahagya siyang natigilan sa pagsasalita noong pumasok ako. Hinawi ko ang buhok ko saka dumiretso na lang sa table ko. Hindi ko na lang sila pinansin.

Umupo ako sa swivel chair ko saka tinignan ang mga files na nakatambak sa mesa ko.

"Okay, meeting adjourned." Biglang sabi ni Jayden sa mga kasama niya.

"Pero sir... Talaga bang wala ka tomorrow?" Tanong ni Tina.

"Yep."

Napatingin ako sa kanya. Wala siya bukas?

"Uuwi kami ni Cha sa Cebu City. Kayo na muna bahala dito."

"But why?"

Ngumisi si Jayden, "May pag uusapan lang kami ni Mayor Rama."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Nagtindigan ang balahibo ko nang seryoso niya akong tinignan.

"WHOA? Sir, totohanan na ba yan?" May narinig akong nagsabi noon.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon