Chapter 21 ♥ Problem Unsolved

39K 377 40
                                    

Author's Note:

Hindi ko pa sure kung kailan ko maa-update yung TSR. Sa mga nag-aabang at naghihintay, wait wait muna kayo. Pero sa ngayon, enjoy na lang muna sa bagong update ng LTMH :) Ingat kayo lagi and thank u so much for reading my stories! Mwuah! 


♥♥♥

Chapter 21

Hindi ko na alam kung ilang minuto o kung gaano na katagal ang lumipas magmula ng lumabas ako ng bahay. Pinaharurot ko ng napakabilis ang sasakyan na para bang lumilipad na ito sa hangin. Pagdating ko sa destinasyon ko, bumaba ako ng sasakyan at mabilis na nilibot ang buong paligid. Wala sila Souta rito ngunit bakas pa rin sa lugar na ito ang kaguluhan na nangyari kanina. May mga dugo sa paligid at ang masaklap, nakahandusay na ang katawan ng mga myembro ng gang na tinutukoy ni Souta sa telepono. 

Tinakpan ko ang aking bibig dahil sa gulat at sakit na nararamdaman ko para sa kanila. Hindi nilla nararapat sa kanila ang mamatay ng tulad nito. 

Iginala ko ang mata sa buong paligid. May mga luha na nangingilid sa mga mata ko pero hindi ko ito binigyan ng pansin. Sabi ni Souta nahabol na raw nila ang taong may gawa nito. Kung ganun, siguradong nakalayo na sila sa lugar na 'to. Kailangan ko na silang makita sa lalong madaling panahon.

Tumakbo ako ng napakabilis at muling pumasok sa sasakyan ko. Buti na lang nakinig ako sa direksyon na sinabi ni Souta sa telepono kanina kasama na rin ang mangilan ngilang palatandaan kung saan direksyon sila nagtungo. May ilang kanto mula sa school ay nakasalubong ko ang ilan sa mga myembro ng Shinobi. Hininto ko ang sasakyan at ganun din sa kanila. Nanlalaki ang mga mata nila sa gulat noong makita ko na nauwi rin sa pagpapasalamat dahil daw sa wakas dumating ako. Sa buong byahe ay sila ang naging lead ko. Nang makarating sa pakay na destinasyon, kulang na lang ay madapa dapa na ako na bumaba ng sasakyan.

Nasaan si Souta? 

"Souta. Where's Sou-- watch out!" itinulak ko pababa ang gangmate ni Souta na halos katabi ko lang. Bigla kasing umulan ng bala sa paligid.

"Are you alright?" tanong ko sa kanya. Mabilis ang paghinga nya dahil sa sobrang kaba at gulat. Tulala syang tumango sa akin dahil sa nangyari.

"Nandito pa rin sya." maya't maya ay narinig kong sabat ng isa pang gangmate ni Souta na nagturo sa akin sa lokasyon na 'to. 

"Sinong sya?"

"Yung taong hinahabol namin. Yung taong mabilis." Inilihis nito ang tingin sa akin. Puno ng kaseryosohan at takot ang mga mata nya. "Yung taong magaling humawak ng baril at tinapos ang isang buong gang sa isang iglap lang."

So nandito pa rin sya. Siguradong dahil sa ibang gangmate ni Souta na nagkalat sa paligid, nahihirapan na itong makatakas. Whoever that person is-- is trapped in this place like a wild animal, a wild beast-- eagerly searching for its way out. 

Marami pang katanungan sa isip ko na gusto kong masagot. Pero ng may maramdaman akong mabilis na paggalaw, napalingon ako rito. Sobrang dilim sa buong paligid, tanging kakarampot lang na ilaw ng isang poste ang namumukod tangi rito. Gayunpaman, hindi nakatakas sa akin ang mabilis na paggalaw. Ipinikit ko ang mga mata ko at saka pinakiramdaman kung saang direksyon ito nagtatago. Malakas ang ihip ng hangin at sa bawat pag-ihip nito tila ba ibinubulong nito sa akin kung saan ang taong hinahanap ko. 

Idinilat ko ang aking mga mata. 

Lumihis ang tingin ko sa direksyon sa may bandang likod. Mabilis man ay nakita ko pa rin sya. Tinakbo ko agad ang direksyon na yun. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon