MPML Book 2 (45)

3.5K 82 20
                                    

Sabay kaming pumasok ni Andrea sa school ng salubungin kami ni Marcus at inakbayan nya si Andrea. Nagsalubong yung mga kilay ko pero si Andrea parang wala lang sakanya na akbayan sya.

"Yung report natin nagawa ko na, pati yung introduction natapos ko na. Ano ready kana mamaya?" Sabi ni Marcus.

Humanga naman ako dahil gumagawa na ngayon ng report si Marcus na hindi ata normal dahil palagi lang syang nagpapagawa kay Ria. Speaking of Ria, hindi ko na sila nakikitang magkasama.

"Oo naman, madali lang naman yung report natin kayang kaya natin yan." Sagot ni Andrea.

Tumatawa sila pareho ng makisabat ako at sirain ang moment nila.

"Marcus, where's Ria? Hindi ko na kayo nakikitang magkasama." Napakamot naman ng ulo si Marcus sa tanong ko.

"Ah eh hindi ko po alam Ma'am. Iniiwasan nya kami eh."

"Iniiwasan, bakit?" Tanong ko ulit.

"No one knows." Sabay na sagot nilang dalawa ni Andrea.

Malapit na kami sa building ng hawakan ko si Andrea at tinaasan ko ng kilay si Marcus.

"Mom, why?" --Andrea

"May problema po ba, Ma'am?" --Marcus

"Go." Sabi ko kay Marcus sabay hila nya kay Andrea sakin pero hindi ko binibigay si Andrea.

Para kaming nagaagawan kay Andrea ng marealize nyang sya yung pinapaalis ko.

"Ahh go means me, I should go?" Tanong pa ni Marcus pero tinaasan ko na naman sya ng kilay kaya nagmadali na syang bumitaw kay Andrea at pumasok na ng building.

"What is it, Mom?"

Hinila ko si Andrea sa field at dun ko sya napiling kausapin ng masinsinan.

"Magtatatlong buwan kana dito  never ko pa kayong nakitang magkasama ni Ria. Kung magkaaway kayo sabihin mo sa akin." Unang pasimula ko palang napayuko na sya sa sinabi ko.

I knew something is not right between them. Close sila nung mga bata sila, naging malayo lang sila sa isa't isa ng lumipat kami ni Andrea pero ngayong magkasama na sila sa iisang school hindi sila magpapansinan?

"Mom, Ria doesn't want me to be here. Since first day ko dito iba yung tingin nya sakin, she even yelled at me without reason. Nginingitian nya ko pero alam kong pilit at peke ang mga yun. Tuwing nilalapitan ko sya ganun sya, hindi naman ako manhid para hindi makahalata na ayaw nya sakin kaya ako nalang yung lumalayo."

Nakaupo na kami sa damuhan habang nagkukwento sya. Sinasabunutan nya pa yung mga damo habang nagsasalita sya.

"At hindi mo alam kung bakit sya nagkakaganun sayo?" Tanong ko.

"Wala, ni isa wala akong makitang dahilan kung bakit sya nagkakaganun. Dahil ba nandito ako?" Tanong pa nya sa akin.

Wala talaga syang clue kung bakit nagkakaganun si Ria sakanya, samantalang sa unang kwento palang nya alam ko na yung dahilan. Manang mana talaga sya kay Yuji, andyan na lahat lahat tutukain na sya hindi pa nya makita. Hinawakan ko yung kamay nya na kanina pa nananabunot ng damo at pinagpagan ang mga yun habang kinakausap ko sya.

"Drea anak, naging close ka kay Marcus. Simula ng dumating ka dito hindi na sya umalis sa tabi mo. Alam ng lahat na may gusto sayo yung tao, pero alam mo ba kung anong mas alam ng lahat ng estudyante dito?" Tiningnan nya pa ko na parang nagaantay ng sasabihin ko.

"Ano yun?" Tanong pa nya.

Napailing nalang ako sabay pitik ko sa tenga nya.

"Mm! Tatlong buwan kana dito hindi mo man lang naisip na baka nagkakaganun si Ria sayo dahil kay Marcus." Hawak hawak nya pa yung tenga nya

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon