Kabanata 8

674 27 0
                                    

"Hija, hindi ba't nagaaral ka sa Monteverde High?" tanong ni usisera matapos kong bayaran ang kinain ko.

Monteverde High ba "yun? Napalingon ako sa gilid kung saan nakaupo at kumakain yung Travis. Tinignan ko ang logo sa polo niya at tumango-tango.

"Opo." nginitian ako nito kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Bakit ba ulit-ulit ito? Nakakairita na siya ah. Siguro nagaadik 'to.

"Bakit hindi ka pa nakabihis?" napatingin ako sa suot ko at tinignan ang malaking orasan sa pader.

Shit! Malalate na ako! Tinignan ko yung Travis na hanggang ngayon ay patuloy parin sa pagkain.

"Teka, hindi ka ba papasok?" tanong ko rito kaya tinignan ako nito.

Napataas ako ng kilay ng hindi niya ako sagutin at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Aba! bastos 'to ah! si- "

"Mamayang ala-una ako papasok." matamlay na utas nito kaya napatikhim ako at inirapan ito dahil sa pag putol niya sa sasabihin ko.

Kailangan mo lang kumalma Avery. Hindi ito oras para makipag away ka sa isang siraulo.

"Manang, salamat po sa pagkain." hindi ko na siya hinintay pang magsalita dahil nagmadali na akong umalis at umuwi sa bahay.

Mabilis akong pumasok sa c.r. at hinanap ang shower. Teka, na saan ang shower?

Napatingin naman ako sa baba at halos manggigil ako ng makita ko ang isang tabo at timba.

Anak ng tokwa? So 'yun ang gagamitin ko?

Halos sirain ko na ang gripo sa gigil dahil sa tubig na lumalabas dito.

Tangina! Anong kagaguhan ba itong bahay ng babaeng ito at hindi makamundo ang mga nangyayari. Kung kailan late na ako dun pa kukurampot na tubig ang lumalabas sa gripo.


Nakarating ako ng school mag aalas-otso na buti ay may meeting ang mga teacher kaya hindi ako nahuling nalate at buti nalang ay sikat itong paaralan na ito kaya meron tarpaulin ng address nitong school kaya hindi na ako naligaw pa.

"Himala, nalate ka ata." bulong sa akin ni Venice matapos kong makaupo sa tabi nito.

Inirapan ko siya at sinuklyan ang buhok ko sa inis. "Kasalanan ko ba kung bakit isa-isang butil lang ang lumalabas sa gripo-" napatigil naman ako at tinignan siya.

Kita sa mukha nito ang pagkagulat at halos kagatin ko na ang dila ko sa inis. Pilit akong ngumiti kahit na ang kinalabasan nito ay mukhang natatae.

"Hehe, natraffic." hindi na muli pa itong nagsalita kaya laking pasasalamat ko doon at hindi na rin nagsalita pa dahil baka kung ano pa ang masabi ko.

9 o'clock na ng matapos sa meeting ang mga guro kaya ngayon ay naabutan pa namin ang oras ng filipino teacher namin ayon kay Venice.

"Ms. Preyar."

At hindi ko maiwasang makaramdam ng pamilyar na presensya sa lugar na ito. Ang presensya ng bawat estudyante ay talagang pamilyar sakin. Hindi kaya dito ako nagaral nung nabubuhay pa ako?

Tanungin ko kaya sila kung kilala nila ako? Baka sakali kahanap akong clue. Omg! Ang galing mo talaga Avery isa kang malaki ala-

"Ms. Preyar!" nabalik ako sa wisyo ng bigla akong siniko ni Venice kaya inis ko itong binalingan.

"Preyar daw." kinunutan ko siya ng noo.

Preyar? Mason ang apelido ko.

"Mason ang ape-" nanlaki naman ang mata ko ng marealize kong Preyar nga pala ang apelido nitong babaeng ito.

Mabilis akong napatayo at tinignan ang guro. Lahat na ng mga kaklase ko ay nakatingin na sakin kaya nakaramdam ako ng kaba at panginginig ng kamay.

"P-po?" napasinghap naman ang aming guro.

"Ang sabi ko kung nagawa mo ba ang report na pinapagawa ko sayo last week." iritadong utas nito kaya napakamot ako ng ulo.

"S-sorry po ma'am." yumuko ako.

Kita sa mukha nila ang paglagulat kaya napataas ako ng kilay. Ano na naman iyon? May mali ba sa sinabi ko? Like hindi ko naman talaga alam iyon no! Kainis.

Umupo na ako at tinignan si Venice na nakatingin saakin.

"Allie," pinanlakihan ko siya ng mata. "Ikaw ba talaha iyan?"

Bigla na naman ako nakaramdam ng kaba at panlalamig sa tanong nito.

Tumawa ako ng pilit at pinunasan ang namumuong pawis sa aking noo

"A-ano bang pinagsasabi mo?"

Tangina, mukhang mahirap ata ang mangyayari sa akin ngayon.

That GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon