Angel of Mine

1.4M 17.7K 5.2K
                                    

[ Thank you sa support. Para sa'yo 'to. Enjoy reading. ]

Jd's POV

"Let's end this .."

Tingnan nya lang ako pagkatapos kong hindi sumagot sa tanong nya, pero agad din syang nagtanong.

"Anong ibig mong sabihin na uuwi na tayo? We'll staying there for good ? What about the end? Maghihiwalay na ba tayo? Hahayaan mo na ba ako?" napatingin ako sa mukha ni Asha, partikular sa mata nyang may namumuo ng luha.

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang mukha nya, hinalikan ko sya sa noo.

"Kahit kailan di yan sumagi sa isip ko, Asha. Hinding hindi kita iiwan, hindi ako magsasawang alagaan kayo at di ko hahayaan ang gusto mo."

"Then anong gagawin natin sa Pilipinas?" naguguluhan nyang tanong.

"We'll going to end this. "

"Huh?"

"Babalik tayo sa Pilipinas para ayusin lahat ng problema natin, i found out na lahat ng nangyayari satin ay dahil sa Ate mo, luluhod ako sa harap nya mapatawad ka lang nya." tumayo ako dala ang pinagkainan nya at hinugasan.

"Jd .." rinig kong bulong nya.

"Aayusin natin ang problema sa Pilipinas, tutulungan kita, kung may sakit talaga ang Ate mo, tutulungan natin syang gumaling, nang hindi binibigay ang anak natin, gusto kong maging legal na ang kasal natin sa Pilipinas, gusto kong maayos na buhay, gustong kong maging normal na ang buhay mo, natin, ng mga anak natin. So we're going to end this kind of feeling." nang humarap ako sa kanya ay nakita kong umiiyak sya kagat ang daliri nya. "Naiintindihan mo ko Babe?"

Umiiyak na tumango sya kaya niyakap ko sya.

"Nasasaktan ako coz you're treating me coldly, masakit, mahirap, di ko pala kaya, akala ko matatagalan ko, this is the only idea na alam ko para matapos na'to, haharapin natin dalawa ang problema mo, andito ko tutulungan kita." pinahid ko yung luha nyang tumutulo sa mata nya.

"Jd di mo naman kailangan gawin to eh, ako lang dapat ang-"

"Mag asawa tayo remember ? Ang problema mo, problema ko na din, so sasamahan kita, tutulungan kita."

"Jd .. thank you." bulong nya habang nakayakap sakin. Napangiti na lang ako.

Kahit na ako kinakabahan sa desisyon ko; malalapit na kami sa problemang pilit kong nilalayo sa kanya, sana naman..

Sana maging ok na kami .. sana tama yung desisyon ko.

Kalagitnaan ng gabi ng makatulog na si Asha, nakaharap ako sa laptop ko at nagpapa book ng flight pauwi sa Pilipinas.

May nakita ako which is tomorrow morning, pikit mata kong pinindot yung button para mag pa book. So eto na, uuwi na kami bukas.

Sinara ko yung laptop ko at kinuha yung phone ko. Tatawagan ko si Ivan.

"Sir kamusta! Long time no see!"

"Malamang, nandito ko sa Amerika at nasa Pilipinas ka, malamang magkita tayo no?"

"Sir Chill. Bakit napatawag ka pala?"

"Uuwi kami jan bukas, pakiayos yung pad ko, alam mo na yung mga bagay na dapat mong itapon. In short linisin mo, palitan mo lahat ng kailangan palitan."

"Sir naman! Pati ba naman dito sa Pilipinas nasusundan nyo pa ako, saka Sir! Lunchbreak oh! Mamaya na kayo tumawag."

"Ano bang trabaho mo sakin?"

"Sir, lilinisin ang pad mo. Copy that  Anything Sir?" lokong to tatamad tamad.

"Yung sasakyan ko, pakidala sa Airport, i can manage." utos ko.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon