Chapter 24

586K 17.2K 6.6K
                                    

Chapter 24


Damn, nahihiya ako sa kanilang dalawa. Why am I crying? Mabilis kong pinunasan ang mga mata ko. We're supposed to have fun. Bakit ako nag iinarte dito?


"Wada, wala namang ganyanan" nakita kong inilihis ni Owen sa labas ang kanyang mga mata.


"We can't stand seeing you crying even it's just tears of joy. Doll naman, lalabas muna ako" nagmamadaling lumabas si Troy ng sasakyan. 

Natahimik na lang ako. Hindi pa rin sila nagbabago, hirap na hirap pa rin sila pag naiiyak ako. Hindi din nagtagal ay nagpaalam din sa akin si Owen na lalabas muna at tumango na lang ako. Sinilip ko silang dalawa sa may bintana, abala sila ngayong mamili ng kung ano anong street foods.

Nagkibit balikat na lang ako, atleast hindi naman sila maaarte sa pagkain. Kahit noong panahong nakatira pa ako sa mansion nila, ni minsan ay hindi ko sila nakakitaan ng pagiging pihikan sa pagkain. Oh well, malamang tinuruan sila ni LG sa bagay na ito.

Naghintay lang ako ng ilang minuto at nakikita ko na silang naglalakad pabalik sa sasakyan. Agad binuksan ni Owen ang driver's seat kung saan ako nakaposisyon.


"Move Wada, ako na ang magdadrive" habang may tangkas tangkas siyang madaming chitcharon, pastillas, yema at kung ano anong mga nauusong pasalubong.

Nabuksan rin ang pinto sa may shotgun seat.


"Sa likuran ka na Doll" sabi naman ni Troy na may kanya rin dalang mga pagkain.


"Okay" maiksing sagot ko. Mabilis naman akong nakalipat sa likuran habang sila naman ay parehong nasa unahan.

Inistart na ni Owen ang sasakyan at lumipas na siguro ang mga minuto ay walang nagsasalita sa amin. This is awkward.


"Can you play any music Owen?" tanong ko.


"Ako na. Let me start..ehem..May tatlong bibe akong nakita.." wait? Kumakanta ba si Troy?


"Mataba, mapayat na mga bibe.." pakantang sabi rin ni Owen. Seriously?


"Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa" napalipat na naman ako ng tingin kay Troy na nagssway na ang ulo. What the fuck? Why I'm not familiar with this song? Shokoy song ba ito?


"Siya ang bibe na nagsabi ng kwak kwak" kanta din ni Owen na nagssway na rin ang ulo.


"Kwak kwak kwak" sabay na kanta ng magpinsang Shokoy. And what's the worst? Nagheheadbang na silang dalwa dahil mukhang feel na feel na nila.

Kailan pa sila nagkaroon ng Shokoy song? Alam din ba ito ni Nero?


"Enough!" sabay silang nagsitawanan sa sinabi ko.


"Hindi mo alam ang kantang 'yon Doll?" natatawang sabi ni Troy.


"Hindi, Shokoy song ba 'yon?" nagtatakang tanong ko. Feel na feel nila mag kwak kwak kwak, nakakahiya.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon