Chapter 13 - Jealous Prince

156K 4.3K 210
                                    

Chapter 13

Hansel's POV

KASAMA ko kanina sina Dad at Mom na nagpe-prepare para sa nalalapit na eclipse. Inamin ko na rin sa kanila ang tungkol kay Ingrid. No'ng una ay nagulat sila kasi totoo raw ang visions ni Daddy. At sinabi ko rin sa kanila ang tungkol sa prophecy. Masaya sila na ako ang nakahanap kay Ingrid.

Nagpatulong din ako kina Erina, Cris, at Tom dahil gusto ko sanang mag-date kami ni Ingrid. Handa na ang lahat kaya pumunta akong penthouse para sunduin siya. Pero nagtaka ako kasi madilim sa loob. Wala ring ingay sa kuwarto niya.

"Saan kaya 'yon nagpunta?" I asked myself.

Lumabas akong penthouse at dumeretso ako sa front desk. Tinatanong ko ang receptionist kung nakita niya si Ingrid.

"Lumabas po siya one hour ago, Prince Hansel." Sabi nito.

Baka pumunta siyang plaza. Wala naman siyang ibang pupuntahan dahil alam naman niyang walang pasok.

Lumabas akong hotel at pinilit kong iniwasan ang mga vampirette na makakakita sa akin. The last thing I wanted to happen ay paligiran ng mga vampirette. Ang importante ay mahanap ko si Ingrid.

Lakad-takbo akong naghahanap sa kanya. Nasa dulo na ako ng plaza nang bilang kumirot ang puso ko. Para akong tinusok sa dibdib sa nakita ko.

I saw Drake looking intently at Ingrid, while she was happily singing along with the band. Nararamdaman kong may pagtingin din si Drake kay Ingrid. Biglang kong naramdaman na gusto kong pumatay ng isang sanguinarian. Nakumos ko ang dalawa kong kamay sa sobrang galit.

"Ingrid!" Malakas na tawag ko sa pangalan niya. Sabay pa silang napalingon.

Nakita kong namutla si Ingrid pagkakita niya sa akin. Si Drake naman ay napa-ismid lang. Gago 'to. May panahon ka rin sa akin!

"Hansel..." Sabi niya na parang nakakita ng multo.

Tinalikuran ko siya. Hindi naman dapat ako magalit kay Ingrid, 'di ba? Hindi naman siguro sinasadya ni Ingrid na kasama niya si Drake, 'di ba? Baka nagkataon lang na magkasama sila.

"Hansel, wait!" I heard her call out my name pero dere-deretso lang ako.

"Uyy. H-Hansel wait la— AYYY!"

Napalingon ako sa kanya nang bigla siyang sumigaw.

Nakita ko na lang na nakadapa siya sa lupa. Napatakbo ako sa kanya pero naunahan ako ni Drake.

"Ingrid, are you okay?"

Itinayo niya si Ingrid at sabay kaming napatingin sa tuhod niya at may sugat sa tuhod niya.

Shit. Blood!

Agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya.

"H-hansel.. A-anong g-ginagawa mo?" gulat niyang tanong/

"Hindi ka puwedeng magtagal dito," bulong ko.

Tinigtan ko muna nang masama si Drake at saka nag-teleport paalis sa lugar na 'yon. Mabilis kaming nakapunta sa kuwarto niya sa penthouse.

"Ang bilis. Nandito agad tayo." Umupo siya sa kama.

Dinala ko agad siya dito kasi nakita ko ang mga kapwa kong nakakaamoy na ng dugo. Immune ako sa dugo kaya ayos lang sa akin.

"Bakit ka ba kasi tumakbo?! 'Ayan tuloy, nagkasugat ka! Alam mo naman na 'di ka puwedeng magkasugat dito. Maamoy ka nila!" Pagalit kong sabi sa kanya.

Vampire City: Not Your Ordinary Vampire StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon