Chapter 70 (November 14, 2011)

880K 10.2K 1.7K
                                    

DATE POSTED: November 14, 2011


Chapter 70

"Why would you do that?!" sigaw ni Kent. Wala siyang pakialam sa mga nakarinig. Ngayon naniintindihan niya na ang pinapahiwatig ni Phoebe sa telepono kanina. "Ano ang nakita ni Phoebe?!"

Hindi makatingin si Elisa. Nakita na lang ni Kent na ibinibigay sa kanya ang telepono nito. Marahas niya itong hinablot at hinanap kung ano man ang tinukukoy nito.

Nanatiling nakayuko si Elisa, marahil ay hinihintay ang reaksyon niya. Nakatingin din lamang si Harley habang si Jhone ay nakayuko at nakaupo sa tabi.

Habang pinapanuod niya iyon, naiisip ni Kent kung anong naglalaro sa loob ng utak ni Phoebe. Marahil hindi nito naiintidihan na kuha lamang iyon sa kanilang pelikula. Pero mas mahihirapan siyang magpaliwanag sa pangalawang kuha kung saan nasa ilalim siya ng espirito ng alak.

*blag*

Nagulat ang lahat ng ibinato niya ang telepono ni Elisa. Nakita niya ang marahang pagtaas baba ng balikat nito habang nakayuko. Gusto niya itong saktan. Gusto niyang maramdaman nito ang galit niya pero pinigilan niya ang sarili. Ibinuhos niya lahat ng nararamdaman sa pagbato sa telepono nito na ngayon at nagkahiwalay-hiwalay na ang mga parte.

"Kung di dahil sa paglalandian niyo mga TUSO kayo?!" sabat ni Jhone.

"YOU DON'T UNDERSTAND?! IT WAS FROM THE MOVIE, AND THE OTHER WAS WHEN I WAS DRUNK?!!"

"So pag lasing ka di mo na mahal si Phoebe ganun??!! Fck lang!! Fck lang talaga?!! Shit!! Grabe kayo!!" hindi na makapagsalita ng normal si Jhone sa halo-halong nararamdamang galit at sakit.

"Tama na.. tama na.." awat ni Harley. Hinila niya si Jhone palayo sa dalawa.

Nang maiwan si Kent at Elisa magisa sa deserted hallway na iyon. Tska lang nagsalita ang huli.

"You may not forgive but I swear I didn't know!! I was just... I was just getting even! She ruined my debut..."

Nakalagay ang mukha ni Kent sa dalawang palad. Hindi alam ang sasabihin.

"I know I made things up on her debut, pero totoo naman yung mga nagawa ko, she truly kissed Harley! Nagalit ako... Kasi asawa ka na nga niya tapos pwede pa siyang makipaghalikan sa iba... You have to understand me!!"

"Stop..."

"... I used to have both of your attention! But when she appeared, para siyang isang magnanakaw!"

"Tama na Elisa..."

"I didn't know she was pregnant! I swear to God!!! If only I knew!"

"I SAID STOP IT!! TAMA NA!! Just... Just get out of my sight..."

"Kent please...."

"Wag ka nang lalapit sa akin ..."

"KENT! ELISA!" boses ni Harley ang nagsalita.

Paglingon nila sa pinanggagalingan ng nagaalalang boses nito. Kasama nito ang doktora.

"We need to have blood transfusion..."

**

Kanina pa siya nasisilaw sa sinag ng araw na nanggagaling sa maluluwang na bintanang nasa tabi niya. Pero nanatili siyang nakapikit. Nanatili siyang bingi sa mga taong gumagalaw sa paligid niya. Pinipigilan ang lahat ng emosyon. Nagkukunwaring walang nararamdaman.

I'm dreaming... I'm dreaming right? Baby... My little baby... nandyan ka pa rin diba? Hindi mo pa iniiwan ang mommy. I love you so much... Tayo na lang diba? Tayo na lang ang magkasama...

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon