Chapter 45

318K 3.5K 346
                                    


Chapter 45

KEI'S P.O.V


Pagkadating na pagkadating ni Marie sasakay na sana ako sa backseat para malaki yung pwesto ko pero hinila ni Kyle ang kamay ko! Bwisit talaga, bat kasi kinakausap pa yung mga ex!



"Baby, h'wag maupo sa back seat. Dito ka na lang sa passenger seat baka mapano ang kambal, reckless driver pa naman yang kapatid mo. Di bale sana kung ako yung driver." Nakangiting sabi niya, aba't nakuha pa talagang maging masaya eh naiinis na nga ako!



"Hoy!Mr.Kyle Cando hindi ko ipapahamak ang mga pamangkin ko!" Sigaw sakanya ni Marie, pero tinawanan lang siya ni Kyle, punagbuksan na niya ako ng pinto sa passenger seat.


"Ingatan mo ang asawa ko Marie!"


"Ewan ko sayo ginawa niyo pa akong driver! Psh!!" Sigaw ni Marie saka pinaandar na ang kotse niya.


Bwisit na Kyle yan. Napatingin ako sa cellphone ko dahil biglang may nagtext, sino pa nga bang magtetext?!


From: Kyle <3

Misis kong selosa. Mahal na mahal kita. Di mo manlang ako kiniss bago kayo umalis. Pero okay lang, lagot sa akin mamaya yang lips mong sexy.


Kainis talaga. Bakit ba ang saya saya pa rin niya kahit na inis na inis ako.


"Hoy! Saan ba tayo pupunta?" Natauhan ako ng sumigaw si Marie!


"Gusto ko ng lansones!" Sabi ko sakanya.


"Hmm, sa super market siguro meron non..." Sabi niya at tahimik na lang na nagmaneho.



Pagkarating namin sa mall, imbis na sa supermarket kami dumiretso sa department store nanaman ako hinila ni Marie!


"Alam mo sis ang takaw mo! Tignan mo nga ang chubby chubby mo na!" Natatawang pang aasar sa akin ni Marie, inirapan ko lang siya at tumingin tingin na lang din ako ng mga gamit ng baby, check up ko na next week, lalaki o babae? Nakakaexcite!


"Anong gusto mong gawin ko? Sa nagugutom ako palagi... Saka isa pa ikaw kaya mabuntis!" Sigaw ko sakanya.


"Hmm... Wish ko lang pwede pa." Lumungkot ang boses niya pero nakangiti parin siya.


"Natanong mo na ba yung doctor mo?" Pag uusisa ko sakanya.


"Well...pwede naman daw, kaso mahihirapan ako gawa ng sakit ko."


"Ha? Akala ko ba medyo magaling ka na?" Sabi ko sakanya.


Tinignan niya ako.



"Ewan... Simula kasi ng mawala yung baby ko hindi na ulit ako bumalik sa Doctor ko. Nakakatakot kasi." Ang kakambal ko na ubod ng taray may kinatatakutan din pala, sabagay kung buhay mo na ang pinag uusapan hindi ka pa ba matatakot?


"Gusto mo samahan kita?" Suhestiyon ko.


"NO WAY!" Pagtanggi niya!


"YES WAY!" Pang aasar ko sakanya, gusto ko lang naman na maging masaya siya, saka isa pa sa tingin ko naman kakayanin niyang magkaanak, sa pagkilos niya palang mukhang malakas naman siya. Saka isa pa may mga nabasa nga ako noon na yung ibang may sakit sa puso nagkakaanak minsan nga dalawa o tatlo pa.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon