misadventure 15 part one

2.2K 24 4
                                    

Zang:

Tinignan ko si Marco. "So ano na? Tutuloy pa ba natin 'to o..."

Tumayo na siya ng diretso. "Itutuloy." Hinawakan niya ako sa pisngi habang nakangiti.

"Gago." Nakakaloko kasi ang ngiti niya eh.

Tapos saka niya ako hinalikan. "Hmm... Lasang Joshua."

I pulled away. Tinignan ko siya ng masama. "Natikman mo na ba si Joshua?"

He grinned.

"Isa pa. Masasaktan ka ulit."

He looked at me in the eyes and caressed my cheek with his hand. "Marco," His touch. It's different. It felt warm and comforting.

He pulled me close to him and pressed his lips against mine shutting me up from what I was about to say. Gusto ko sanang lumayo. Something about his touch is wrong. But his kiss. Something about it so right. That I just closed my eyes and returned his kisses.

...

Sumandal siya sa headboard when we're done. He's catching his breath. I covered myself with the white linen.

"Okay ka na?" I asked.

He just smiled at me.

"Alam mo, kung hindi lang kita kilala bilang best friend, iisipin ko nagselos ka kanina kaya ganun ka maka-react."

We looked at each other. Nakakapanibago kasi siya, ang mga kilos niya, lalo na ang tingin niya. Pag tinitignan niya ako, pakiramdam ko ibang tao ang kaharap ko. Parang hindi si Marco. Parang hindi ang bestfriend ko.

I looked away and continued with what I was saying. "Kung nakita ka nina Aljon kanina, iisipin nun may gusto ka sa'kin kaya ka nagseselos." I shook my head. Pero imposible yun.

"Paano kung..." I looked at him. He's looking at me in the eye. "Paano kung totoo ngang may gusto ako sa'yo? Anong gagawin mo?"

What?

Ahmmm...

Ano nga bang-

I smiled. Sarcastic smile. "Pwede ba? Imposible yun. Ang layo ko naman sa mga babaeng nagugustuhan mo no. Ang mga gusto mo, yung babaeng babae, mahaba ang buhok, maganda, makinis, sexy. Alin ako dun?"

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin. Kitams? Hindi niya masagot kasi wala ako sa mga usual na nagugustuhan niya sa babae kaya imposible talaga. Pero ayun na naman yung tingin niya.

Lumayo na ako sa kanya. "Magbihis na nga tayo. Umuwi na tayo."

Bago ako makapasok sa bathroom, nakita ko pa siya na sinandal na naman ang ulo niya sa headboard at napabuntong hininga na parang ang lalim ng iniisip niya. Something's bothering him. Pero bakit parang hindi niya masabi sa akin?

...

Pareho kaming may dalang kotse kaya nag-convoy na lang kami paalis ng motel. Ang usapan, co-convoy lang siya hanggang sa labas ng village. Nasa loob na ako ng village, naka-convoy pa rin siya.

Kaya bumaba na ako ng kotse habang hinihintay buksan ng mga guards ang gate. "Umuwi ka na. Okay na ako dito."

"Hihintayin na kita makapasok bago ako umalis."

"Marco, wala ng mangyayari sa'kin. Nasa tapat na ako ng bahay."

"Hihintayin na kita." He firmly said.

Our eyes met. Natigilan ako. Kasi ngayon, ramdam na ramdam ko na may something talaga sa kanya. He's different. The way he looks at me is different. I don't know if he's acting strange on purpose or...

Insanely In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon