9 | Pagkikita

755 29 4
                                    

COCO


"Hoy!"

"ARAY!"


Napalingon siya sa akin habang hinihimas ang kanyang batok. Nakasimangot pa siya. Ang cute lang.

Natatawa naman akong tumakbo papalapit sa kanya.


"Ohhh, ba't nakasimangot ang babes ko?" tanong ko at nagpout pa. Hinampas naman niya agad ako sa braso. Natawa nalang naman ako.

Hindi naman kasi masakit 'yong paghampas niya kahit na gaano pa kalakas 'yon.

"Leche ka talagang lalaki ka kahit kelan!" nakasimangot niyang sabi matapos niya akong hampasin.

Tumawa naman ako tapos hinalikan siya sa pisngi, "Okay lang na leche, love mo naman eh."

Sabi ko sabay kindat sa kanya. Nag-cross arms naman siya.

"Ahh, gano'n? Feel mo talagang mahal kita? Ano ka? Balat ng saging para i-FEEL?" tanong niya sa'kin. [Guyyys, suportahan niyo joke ko. :((]

"Tatawa na ba 'ko, bes?" tanong ko.

"Tse," sabi naman niya sabay roll ng eyes sa'kin.

Natawa naman ako at agad siyang niyakap.

"BABYYYYY! I LOVE YOUUUUU!" sigaw ko.


Wala na 'kong pakielam kung may iba mang nakakarinig. Eh mahal ko naman talaga 'tong baby bes ko eh.


"Aray ko naman, Martin! Makasakal ka!" sabi niya pero niyakap ko pa rin siya.

"Nanggigil ako sa'yo eh! Hahaha!" sabi ko naman sa kanya. Narinig ko namang natawa rin siya at niyakap nalang rin ako ng mahigpit.

"Ayy jusko, dai! Umagang-umaga, naghaharutan ang dalawa!"

"At ang nakakaloka, PDA talaga sila! Nasa hallway pa!"

"Clingy boyfriend ka na pala ngayon, Coco?"

"Iba na talaga."

Napakalas naman kami ni Vice sa aming yakap at hinarap ang aming mga kaibigan.

"Anong boyfriend? Mag-best friends lang kami nitong si Dengdeng! Kayo talaga," sabi naman niya.

Natawa ako at hinawakan siya sa bewang, "Mga timang kayo. Sabi sa inyong best friends lang eh."

"Nako, ganyan naman kayong dalawa. Daig niyo po ang mag-jowa at palagi kayong napagkakamalang mag-jowa pero dinedeny niyo," sabi ni Marian sabay cross arms.

"Oo nga eh sa altar rin naman ang ending niyo," sabi naman din ni Toni.

"Toni, gusto mo, tumulad tayo sa kanila?" tanong sa kanya ni Paul at inakbayan pa ito. Siniko naman agad siya ni Toni kaya siya'y napahawak sa kanyang tiyan.

"Aray naman, Tonton."

"Tigilan mo kasi ako!" naiinis na sabi ni Toni.


Natawa naman kami sa kanilang dalawa.

Nagkayayaan naman na kaming pumasok sa classroom. Nauna silang lahat maglakad at sabay naman kaming naglakad ni Vice sa likuran nila. Nakapulupot pa rin ang kamay ko sa bewang niya habang siya nama'y naglalakad at naglalaro ng Flappy Bird sa cellphone niya.

Until Eternity | ViCoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon