Chapter 15

42.3K 1.4K 288
                                    


Left's POV

"Class dismiss." pagkasabi ng huling prof. namin ngayon araw nagsitayuan at naghiyawan ang mga kaklase ko na parang nakawala sa hawla.

"Hoy Kris may--"

"Alam ko." mabilis na sagot nya tapos lumabas ng classroom. Napamura ako sa isipan ko. Hindi man lang ako pinatapos ng letcheng yon.

"Girls una na ako may dinner date kami ng pamilya ko. See ya." hindi ko na hinintay pa magsalita sila at nagmadaling habulin si Kris.

Wala namang kotse yon at isa pa sabay-sabay na daw kami pumunta sa bahay. Ayoko man pero kailangan, baka makatanggap pa ako ng malutong na kaltok kay Mama.

"Saan ka pupunta?" hinawakan ko braso nya para tumigil sya sa paglalakad.

"Kanila Tita. Ayokong makasama ka sa iisang kotse." sabay irap nya at naglakad ulit. Aba letche 'to ah para naman gusto ko din sya makasama. Asa sya.

Kung ayaw nya edi hindi, problema ba yon? At least walang masamang elemento na makakasakay sa kotse ko.

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot papunta sa bahay dahil may susunduin pa kong isang maid.

And speaking of maid, napangisi ako nang maalala ko ang isang bagay. Humanda ka ngayon maid, lakas mong mang-asar sa text ah. Tignan natin kung makakapang-asar ka pa kapag magkaharap na tayo.

Kinuha ko ang cellphone ko at chineck kung may text si maid pero wala. Ha! Hindi na sya nakapag-reply sa huling text ko sa kanya. Well, ako din nagtataka kung bakit ko yon tinext sa kanya. Yung hindi ko tatantanan ang mga labi nya. Pero napangiti at napailing na lang ako.

Mabilis akong nagbusina pagkatapat ko sa bahay at agad naman din yon binuksan ni maid ang gate. Napangisi ako nung makita ang mukha nyang nag-aalala. Agad akong lumabas ng kotse pagkapasok ko sa garahe.

Ngumisi ako kay maid na sinasara ang gate. Pumasok ako sa loob at naupo sa sofa. Mabuti lang pala wala si Kris dito. Masosolo ko si maid.

Tumingin ako kay maid na may ngisi sa labi. Lalo akong napangisi na hindi sya makatingin sakin at pumunta sa kusina. Tumayo ako at sinundan sya. Nung napansin nya akong sumunod sa kanya ay agad sya nag-sign na tumigil ako sa paglapit sa kanya.

Tinaasan ko sya ng kilay. Inuutusan ba ako nito?

Tumawag si Ma'am Letti na pumunta na daw tayo sa kanila kapag nakauwi ka na. Alis na tayo.

Napa-smirk ako. Lumapit ako sa kanya pero sya umatras.

"Maya maya. 'Di ba sinabi kong humanda ka? Ngayon nasaan ang tapang mo hmm?" namula sya habang umaatras. Nag-sign na naman syang wag akong lumapit sa kanya.

Ano akala nya susundin ko sya?

Please? Alis na tayo baka hinahanap na tayo don.

Natawa ako dahil sa sulat nya. Halatang kinakabahan dahil hindi masyado maayos ang pagkasulat nya.

"Nope. Hindi tayo aalis dito hangga't hindi ko nagagawa ang gusto ko." sabay dila ko sa labi ko. Natawa ako sa isipan ko dahil nakatitig sya sa labi ko at namumula ang mukha nya.

Hinila ko agad sya bago pa sya umatras. Mabilis ko syang niyakap ng mahigpit at sumubsob sa leeg nya. Naamoy ko na naman ang pabango nyang coffee latte. Since na naamoy ko ang pabango nya gusto ko na palaging umiinom ng kape. Hindi ko alam naaadik na ako don.

Ilang minuto kaming nakaganon na pwesto bago ako lumayo sa kanya. Namumula pa din ang mukha nya kaya napangiti ako. She's really cute.

"Tara na baka gabihin pa tayo." sabi ko. Tumaas kilay ko dahil hindi sya gumagalaw sa pwesto nya. "Hoy? Ano na?" tila bumalik ang diwa nya. Lalo na mula ang mukha nya at napayuko. Hinawakan ko ng chin nya at inangat dahilan para magtama ang tingin namin. "Ano ang iniisip mo?" nanlaki ang mata nya at umiling-iling. Hindi nakawala sa paningin ko ang pasimpleng tingin nya sa labi ko. Napa-smirk ako.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon