Kabanata 7: Duel

101K 3.9K 378
                                    

Second day nang training.

Di ko alam kong anong klaseng training ang mayroon kami ngayon. Nasa loob na kaming apat sa training room, wala pa si Sir Rocky.

Ayon sa schedule naming apat, three days of training using our attributes and special abilities, one day lectures and the rest will be our rest day. And I tell you, hindi rest day talaga ang ibig sabihin ng araw na iyon. It's either you practice by your own o di kaya magkasundo kayong apat kung anong gagawin kahit wala ang naka-assign na teacher ng klase ninyo.

Napatingin ako sa mga kasama ko. Pakanta-kanta si Joseph habang may binabasa sa librong hawak niya. Sydney is busy with her book too. Nakakunot ang noo nito habang may binabasa. Napangiwi ako. Hindi ko talaga makuha ang pag-uugali ng babaeng ito. She has an angelic face but her attitude towards me? Nah. Buti na lang talaga maganda siya. Then, Sean. As usual, nakapikit. Mukhang natutulog.

Pangalawang araw ko pa lang na kasama ang tatlong ito pero iyong special ability pa lamang ni Joseph ang nakita ko. And of course, Sean Miller. He can tell if it was you by your scent! Smelling!

Si Sydney kaya? Ano kaya ang special ability?

"Staring is rude, missy."

Napatigil ako noong magsalita si Sydney habang abala pa rin sa binabasa niya.

"Kanina ka pa nakatingin sa akin. Mind if you share kung anong iniisip mo, hah? Miss Mind Reader?" sabi nito sabay baba ng librong hawak at tumingin sa akin.

"I'm not a freaking mind reader, Sydney. I can hear thoughts. There's a big difference between the two," bored na sabi ko sa kanya. Nakataas ang isang kilay niya na tila ba di naniniwala sa mga pinagsasabi ko.

"Whatever you say. Pero ano nga? May itatanong ka ba? Kanina pa ako di makapagconcentrate sa binabasa ko dahil sa titig mo," iritang sabi pa niya. Aba't naging kasalanan ko pa ngayon iyon?

Napansin kong natigilan din si Joseph sa ginagawa at mukhang nakikinig  na sa usapan naming dalawa ni Sydney.

"What?" naiinip na tanong ni Sydney. She really thinks na may  kailangan ako sa kanya. Fine! I'm just a curious cat here!

"Your special ability," iyon lang ang sinabi ko. Makukuha na marahil niya ang nais kong malaman tungkol sa kanya. Tinitigan niya lang ako. I wonder kong anong iniisip niya ngayon? I can't hear anything inside her thoughts. Mukhang sinarado niya talaga ito para di ko marinig.

"Sight," walang ganang sagot ni Sydney sabay kuha ulit ng librong kanina pa niyang hawak at nagsimula na naman siyang magbasang muli.

Sight?

"I can see everything around me. 360 degree. Kahit nakatalikod ako. Basta abot at sakop ng sight sense ko," dugtong pa nito habang nakatingin na sa binabasang libro.

Napatango nalang ako sa kanya at nanahimik na. Gusto kong magpasalamat sa kanya pero di ko na lang ginawa. Baka irapan niya lang ako at di ako makatiis sa babaeng ito.

"Sean. Joseph. To the center."

Nabigla ako nang marining ko ang boses ni Sir Rocky. He's already here!

Agad namang tumayo ang dalawang lalaki. Mukhang sila ngayon ang magtratraining.

"Observe carefully, girls. Lalo ka na, Althea," bilin pa nito. I mentally rolled my eyes sa sinabi ni sir. I know. I know.

Napatingin ako sa dalawang lalaki sa gitna ng training room. Pareho silang seryoso. Maging ang mga aura nila ay nagbago. Mayamaya pa'y may pinindot si Sir Rocky. Napatingin ako sa kamay nito at napakunot ang noo sa hawak nito. A small device with a red button on it. What's that for?

Mabilis naman akong napatinging muli sa gitna ng training room noong bigla na lang nagkaroon ng force field ang pumalibot sa dalawa.

"For our safety. Iba na ang level ng dalawang iyan. Mahirap na," wika ni Sydney sa tabi ko. Napatango ako.

"Fire and Earth. Parehong malakas na attribute. Sino sa tingin mo ang lamang sa dalawa?" wala sa sariling tanong ko sa katabi ko.

Napatingin ako kay Sydney noong di siya sumagot sa tanong ko. Kita ko ang pagkunot ng noo niya.

"See it for yourself," iyon lang ang isinagot niya sa akin kaya naman ay ibinalik ko na ang mga mata ko sa dalawa.

"You can start boys," wika ni Sir Rocky. Ang mga salitang iyon ang nagpasabog sa pressure ng dalawa. Halos mapanganga ako sa nakikita ko. Ang bilis nila. Di ko mahabol ang galaw nila. Ginagamit ni Joseph ang special ability niya which teleportation while Sean? The hell! Ang bilis niya. Hindi ba sense of smell ang special ability niya? Paano nangyari iyon?

"That's his special ability. Speed," mahinang sambit ni Sydney. Malamang sa malamang si Sean ang tinutukoy niya!

Kumurap-kurap ako. Ang bilis ng mga galaw nila!

Mayamaya pa'y napansin ko ang paglabas ng apoy sa mga kamay ni Sean. This is it! His attribute. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko. Relax, Althea. Walang panganib dito! Matinding kapangyarihan ang nararamdaman ko ngayon sa gitna ng training room. Even my body screams for it. I can't hide my chills!

Kitang-kita ko ang mabilis na pagsugod ni Sean kay Joseph pero nasangga agad niya ang atake. Yung braso ni Joseph ! Naging tree trunk ito. The hell! Mayamaya pa'y may humampas na puno kay Sean. Muntik na itong mahagip. Buti nalang ay may speed ability ito! Parang wala lang sa kanya ang atake ni Joseph.

Sa bilis nang pangyayare ay di ko na nasundan pa. Ilang oras din ang lumipas bago ipatigil ni sir Rocky ang duel ng dalawa.

"Good. Mukhang ni isa talaga sa inyo ay ayaw nagpatalo. Great job," masiglang wika ni Sir Rocky. "Take a rest. Now. Althea. Sydney. You two are next."

Inaasahan ko na ito kanina pa.

It's now me against Sydney, the Water Attribute. Wind and Water ? I guess it's not a good duel partner.

Nagtungo na kami ni Sydney sa gitna ng training. Naramdaman ko din ang pressure galing sa force field na bumalot sa amin dalawa.

"Start."

Rinig kong wika ni sir Rocky sa labas ng force field na nakapalibot sa aming dalawa. Biglang nag iba ang itsura ng paligid. Nasa isang gubat kami ngayon. An artificial environment, I guess.

Dahil sa pagmamasid ko sa paligid ay di ko namalayang sumugod na pala si Sydney sa akin. Water blade. Shit!

"Focus, Althea. Pag nasa field kana kailangan palagi kang focus," pangangaral nito sa akin.

"Thanks for that, hah," sarkastik kong sagot sa kanya. Pinahid ko ang dugong nasa kanang pisngi ko. Natamaan pala ako ng water blade niya kanina.

Nagkatitigan kami. Wala ni isa sa amin ang gumalaw. Akmang itataas ko pa lang ang kaliwang kamay ko ng inatake na naman ako ng water blade niya. The hell!

"I can see your movement in advance, Althea," imporma niya. "Come on. You're better than this," frustrated na wika niya.

Yah! I'm better than this.

Isang mabilisang galaw ang ginawa ko. I use my attribute to move my body faster. Kung mas magaan ka, mas mabilis ang kilos mo. Agad na nagform sa kamay ko ang sword ko. At habang papalapit ako kay Sydney ay panay ang tira niya sa akin ng water blades niya. Too bad for her. Mag-isa na kami ng hangin dito sa training room. I danced with the rhythm of the wind. Impossibleng matamaan pa niya ako. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay agad siyang nagform ng espada din. Of course, gawa sa tubig din. I told yah. Di magandang combination ang water at wind sa battle field. Plus the fact pa na ang special ability ko ay hearing at ang kanya ay sight.

Mukhang matagal na laban to.

PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon