Kabanata 52

3.4K 73 0
                                    

Kabanata 52 ~ Don't Know

Nandito kami ngayon sa secret room nila Rex. Hinila niya ako papunta rito kaya hinila ko rin si Gabbie pero itong si Gabbie ay kumalas sa pagkakahawak at nagtatakbo kung saan. Hindi ko lang alam kung nasan na s'ya.

"Busy?" ani Rex.

"Ha? Saan?" tanong ko pabalik.

"Why are you busy this past few days?" tanong niyang muli.

"May importante lang na pinuntahan." sagot ko.

"Like what?" Rex.

"Secret, sasabihin ko rin sa'yo kapag natapos na kami." ako.

"Tss."

"May nakatok 'ata. Pagbuksan niyo na." sabi ko.

"Pabayaan mo na." Rex.

"Baka importante." sabi ko.

"No, it's not important. It's just a fan." pagmamayabang ni Ace na may ka text sa cellphone niya.

"Hoy! Marz! May good news ako!" sigaw ng isang tinig mula sa labas.

Hala si Gabbie 'ata 'yon.

"Si Gabbie 'yon." sabi ko at tumayo para buksan ang pintuan.

Pagkabukas ko ng pinto ay ang shotgun niyang bunganga ang bumungad sa akin.

"SI HANCE NAKIPAG-BREAK NA SIYA SA BABAE NIYA AND IT'S BECAUSE OF ME!" mabilis kong tinakpan ang bibig ni Gabbie. Patay.

Nakatingin sila sa amin dahil sa narinig pero isang tao lang ang hindi lumingo at seryosong-seryoso sa pagbabasa, si Harry.

Hindi man lang ba siya magugulat?

"Sinong Hance?" usisa ni Kent.

"Ah basta! Mamaya na namin ichi-chika okay?" ani Gabbie at hinila ako palabas sa secret room ng Death Slayers.

"Ano, paano mo nalaman?" ako.

"Narinig ko kanina... Nandiyan kasi si Hance sa labas ng gate. Hinihintay yata ako tapos may isang nagtanong sa kaniya kung bakit siya nandoon ang sagot niya ay susunduin niya ang gf niya! At ito ha, may isa sa kanila ang nakakaalam na may gf si Hance na ang pangalan ay Ofei! Sinabi niya na 'Break na kami'." tatalon talon kami habang magkahawak kamay.

"OMG! Operation Complete!" wika ko.

"Yeah at mamaya ay itatanong ko na sa kaniya kung kilala niya ang papa mo at kapag nakuha ko na ang impormasyon na 'yon ay ipagpapatuloy ko pa rin ang revenge ko para fall na fall at masaktan siya ng sobra! Tama lang 'yon sa pagtatangka niya ng buhay ko." aniya na masayang-masaya.

Masaya ako para sa kaniya dahil isa-isa niya ng natutupad ang gusto niya.

Dalawang linggo na rin namin ginagawa 'yong operation na 'yon. Kasi kung kada Linggo lang ay baka ilang buwan pa bago muling mahulog ang loob ni Hance. Kaya tuwing uwian na lang, thats why nagtataka si Rex kung bakit busy ako.

"Hindi mo ba napansin?" ako.

"Alin?" tanong niya.

"Na hindi pinansin ni Harry 'yong narinig niya samantalang lahat sila na curious. Alam niya ba?" tanong ko.

Bigla tuloy lumungkot 'yong mukha niya.

"Hindi ko alam. Hindi niya na rin kasi ako pinapansin last week. Kinakausap ko siya pero naiwas lang." Gabbie.

"Kausapin mo na lang ulit at itanong kung anong problema. Mamaya ha, kita na lang tayo sa inyo." paalala ko.

"Huwag na. Sa inyo na lang ako pupunta." sambit niya.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon