Chapter 7: Ice

5.6K 177 7
                                    





~*~









(Cashmere's POV)









Ilang linggo na rin ang nakakalipas at ilang sahod ko na rin sa trabaho ang nagdaan. Etong sweldo ko na lang ngayon ang hinihintay ko at kumpleto na ang pang enroll ko para sa grade eleven.

"Cash." Pagtawag sa akin ni Andrew.

"Yup?"

"Sorry ah, di man lang ako makatulong para sa pag aaral mo, alam mo naman sila Papa mahigpit sa pera. Hayaan mo, ako bahala sa snacks mo pagrecess ha." Malungkot nitong saad na nagpatouch sa pempem ko. Char.

"Aray." Himas nya sa ulo nya nang binatukan ko ito.

"Ano ka ba! Ok lang yun! Responsibilidad mo ba ako? Drama neto." Pagtawa ko.

"Oo na naiintindihan mo na, pero pwede naman sanang kalabit lang gagawin mo eh hindi batok, masakit kasi." Reklamo ni Andrew habang nakanguso na nagpadagdag ng kakyutan ng unggoy.

Natawa na lang ulit ako.

"Guys!" Sigaw sa likuran namin na nakapagpatigil sa akin.

Napabuntong hininga si Andrew at napakamot sa batok. "Andyan na ata ang alaga nating Chimpanzee Cash." Pagod na saad nya habang nakatingin sa tumatakbong Jane papunta sa amin.

"Hoy, ambad mo oh." Saway ko sa kanya.

Napairap na lamang ito at napahalukipkip.

"Oo na. Hi Jane, saang lupalok ka ba nanggaling?" Kunot noo kong tanong sa chimpanzee daw ng buhay ni Andrew.

Napatakip at nagimbal ako nang bigla itong tumili ng ubod lakas.

Aray ha! Ansakit sa tutuli grabe !

"Ang landi nito. Bat ka ba nagkakaganyan ha?!" Kabit kilay nang usisa ni Andrew na marahil ay nabingi rin.

"E-Eh kesye ene eeeeeeeee!" Pabebeng galaw ng babaita.

Naniniwala na akong lumalandi na to.

"Ayusin mo nga pagsasalita mo , hihilahin ko na yang dila mo."

"Ha? Ano. Ang gwapo nung transferee student! Kyah!!" Muling pagtitili pa ni Jane.

"Tss. Yun lang pala."

"Mas gwapo kase yun sayo!" Pagbelat ni Jane kay Andrew.

"Edi inamin mo rin na gwapo pala ako." Masungit na bwelta ni Andrew.

"Ha? A-Ano?" Namumula at nauutal na huhap ni Jane sa kanyang mga salita na ikinailing ko.

May nabubuo na na loveteam dito ah. Hahahaha.

Lumakad muna ako paalis sa kanila. Alanganamang lumipad? Okay ang korni mo rin minsan no?

Naglalakad ako nang bigla akong may mabangga.

"ARAY! DI NAMAN KASE TUMITINGIN SA DAANAN EH!" Bulyaw ko.

Kasi naman, kaasar sya. Kahit na medyo kasalanan ko, feel ko lang naman manigaw.

"Tss." Sagot lang nya.

Ang gwapo pa naman kayalang ang sungit naman, kala mo bakla.

"HOY GWAP------este PANGET NA NILALANG, SORRY HAH?" Kunot noo kong duro sa kanya.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon