Kabanata 53

3.4K 73 2
                                    

Kabanata 53 ~ Mall

"Huwag mong pigilan ang paghinga mo. Sige ka, baka hindi makasya sa'yo to kapag ginamit mo na." sabi ni Tita Zia na may-ari ng isang sikat na Dress Shop.

Sinusukatan ako ni Tita sa Dress na susuotin ko sa debut ko. Hindi ko alam kung anong dress ang gagawin ni Tita pero ayos lang sa akin kahit ano basta hindi kita ang kaluluwa.

"Tita anong klase po bang dress ang gagawin niyo?" tanong ko.

"Simple pero elegante." nakangiting sabi ni Tita Zia.

Pagkatapos akong sukatan ni Tita ay tinawag ko na si Gabbie.

"Gabbie! It's your turn." wika ko. Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit na sa amin ni tita.

"Sa akin po 'yong bongga." sabi ni Gabbie.

"Nakakatawa ka naman hija. Baka matalbugan mo pa niyan si Freya. Debut 'to at hindi JS." ani tita na nakikipagbiruan kay Gabbie

Tumawa tuloy si Gabbie.

Pagkatapos namin magpasukat kay tita ay nag-ikot-ikot muna kami rito sa Mall.

Bakit hindi ako nagawi sa pwesto ni tita noon?

"Marz, look. Si Ma'am Mabel!" ani Gabbie at tinuro si Ma'am Mabel.

Umusok ang ilong ko sa nakita.

"Bakit magkasama sila ni Rex?" tanong ni Gabbie sa akin.

"Malay ko. Baka nakahanap ng mas magandang maliligawan." sabi ko at nakatingin ng matalim sa dalawa.

"Halika, tanungin natin." sabi ko.

"Oh, Ma'am Mabel and Rex." bati ko sa kanila.

Gulat naman silang dalawa. Well, maganda kasi ang nasa harapan nila.

"It's R.A." ani Rex.

"Hindi ko feel na tawagin kang R.A." ani ko at tinaasan sila ng kilay.

"Rex, bago mong nililigawan?" tanong ko na in-empasize ang salitang bago.

"Yes. Nililigawan niya ako." ani ma'am na natatawa.

"Hindi ko siya nililigawan. Nagjo-joke lang si Ma'am." ani Rex at lumayo na kay Ma'am.

But jokes are half meant.

"Ma'am 'di ba po bawal ang realtionship ng teacher and student?" tanong ko.

Tumawa lang si ma'am.

"Then I'll quit as a teacher and stay as a model." sagot niya at lumapit kay Rex at kumapit sa balikat nito.

Hindi niya ba alam na nililigawan ako ni Rex?

Nagtangis ang mga panga ko sa narinig.

"Bakit ba landi-landi ninyo?" Ang tinutukoy ko ay si Rex and Ma'am Mabel.

Nararamdaman kong hinihila na ni Gabbie 'yong kamay ko.

Alam kong napasama ang tabas ng bibig ko ngayon. Pabayaan niyo na, inilalabas ko lang ang galit ko. Galit na talaga ako kay Ma'am Mabel. Lagi na lang si Rex ang pinupuntirya.

"Akala niyo ba hindi ko napapansin na sa kan'ya kayo nakatingin lagi? Argh! Nakakainis, boyfriend ko si Rex kaya layuan mo na siya. Niligawan niya ako, nag-yes na ako, naging kami na. Kaya kung nililigawan ka rin niya wala ka ng karapatan para sagutin siya." ani ko na hindi naman pasigaw.

Nakitang ngumisi lang si Rex. Huwag kang ngumisi diyan baka hindi kita sa gutin.

Tumaas ang kilay ni Ma'am sa nalaman at inirapan ako. Naglakad na siya at dinaanan ako sabay bulong ng

'Kung asawa nga naaagaw, boyfriend pa kaya.'

Sisikuhin ko dapat pero pinigilan ko na ang sarili ko.

Inhale, Exhale.

"Huwag kang ngumisi diyan, baka hindi kita sagutin." sabi ko kay Rex.

"Sinagot mo na ako 'di ba?" nakangisi pa rin niyang sagot.

"Marz, iwan ko nakayo riyan. May gagawin pa ako."sabi niya at umalis na.

"Hindi pakita sinasagot. Palabas lang 'yong kanina. Ayaw mo ba no'n nilayuan ka na ni Ma'am?" nakataas kilay kong sabi. Sino ba naman ang gustong lumayo sa mgandang model? Hay ano ba 'yan. Nagkakaroon tuloy ako ng insecurities.

"Paano kung sineryoso ko 'yon." seryoso niyang sabi at lumapit pa lalo sa akin.

"S-sigurado akong hindi ka seryoso." sabi ko na kinakabahan.

"Seryoso ako." wika niya at lumuhod.

Pucha! Anong ginagawa niya
Napatakip na lang ako ng mukha dahil nakatingin ang mga tao sa amin. Hello?! Mall 'to.

"Ate 'wag mong takpan ang mukha mo. Ang gwapo kaya ni kuya, ayaw mo bang ipakita na panget ka." ani ng isang tao rito kaya mabilis kong tinanggal ang takip sa mukha ko.

Naglabas siya ng sing-sing. Gosh, don't tell me magpopropose siya sa akin?

"Yes! Pakasalan mo na 'yan." sabi ng isa.

"I love you, will you be my girlfriend."

I blush. Simple words but sweet...

"Pakasal na kayo!" someone shouted.

"Tumayo ka nga.They think nagpo-propose ka sa akin." sabi ko na pinapatayo siya.

"Your answer first." aniya.

"Tumayo ka muna." sabi ko.

"Answer." matigas niyang sabi.

"Fine, Yes." sabi ko na nakangiti.

Tumayo na siya. Rinig ang mga bulungan sa Mall. Sayang daw si Rex dahil sa akin napunta. Really?!

He hug me and whispered to my ears 'I love you'

"I love you too." I said without hesitation.

"Bye!" paalam ko sa kaniya. Dahil hinatid niya ako sa bahay.

"Come here." aniya na sinesenyas na lumapit ako sa kotse niya.

Lumapit naman ako.

"What?" tanong ko.

"You're forgetting something." aniya.

Wala naman akong nakalimutan. May naiwan ba ako?

"Tss... My girlfriend is so slow." sabi niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero napalitan ito ng gulat dahil sa paghalik niya sa mga labi ko.

Pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdamang mabuti ang masarap niyang halik. It was so passionate.

Kumalas siya sa pagkakahalik.

"Bye." aniya and kiss me on my cheek.

Umalis na siya.

Tumakbo ako papunta sa kwarto ko.

Gusto kong tumalon!

"Shemas! Kami na!" I shouted inside my room.

"The best birthday gift ever from God!" I said and didn't stop jumping.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon