Fin

18.9K 547 249
                                    

Maagang nagising si Vice upang makapaghanda ng agahan. Dahan-dahan itong kumilos sa kusina to avoid making noise na pwedeng makagising sa lahat. Inuna niya ang paggawa ng breakfast ng ina, pamangkin at ng asawa. Pagkatapos noon ay gumawa rin ito ng ilang pirasong pancakes at nagtimpla ng chocolate milk... para kay Klang. Simula kagabi ay ipinangako na niya sa sarili na he'll do his best upang magampanan ng maayos ang pagiging ama at asawa. He'll make sure na hindi na mauulit ang nangyari at pipilitin niyang makapaglaan ng pantay na oras sa pamilya. After preparing foods, umakyat na ito sa kwarto to take a bath. He prepared himself. Gumawa rin ito ng sulat at inilagay sa ibabaw ng phone ng asawa dahil hindi naman niya ito magising upang makapagpaalam.

Dala-dala ang bag of pancakes at chocolate milk, Vice drove his way to his mother-in-law's house. Alas siyete palang naman ng umaga at alam niyang nag-aagahan palang ang biyenan dahil alas dyis pa naman ang call-time nito for production's rehearsal. Matiyaga itong naghintay sa labas ng gate hanggang sa pagbuksan siya ni Zia ng pinto.

"Oh, Kuya Vice? Ang aga mo naman. Si Ate?" usisa ng dalaga habang pinapapasok si Vice.

"Natutulog pa kasi si Karylle saka si Tutoy," nakangiti nitong sagot.

Nang makapasok sa loob ay naabutan nga ni Vice na nag-aagahan ang biyenan, Coco, Zia at ang panganay na anak na halata sa mukha ang pag-eenjoy sa kinakain.

"Goodmorning, Ma." Vice greeted sabay beso sa biyenan. Nang makita ang ama, nagmamadali namang bumaba si Klang sa upuan at siniksik ang sarili sa pagitan ng hita ng momsie niya.

"Goodmorning. Ang aga mo naman. Napadaan ka?"

"Manliligaw ho kasi sana ako diyan sa batang nakasiksik sa inyo, kung papayagan niyo po ako." malambing na sabi ni Vice habang nakatingin sa anak na kahit nakasiksik sa momsie niya ay nagte-take parin naman ng tingin sa Daddy Bays niya.

Napailing na lamang si Zsa Zsa habang pinagmamasdan ang apo na alam naman niyang hindi rin matitiis ang ama. Sobra niyang ina-adore ang relasyon na nabuo ng manugang at ng apo. Relasyon na papangarapin ng lahat ng anak na matamo kasama ang ama. Muli nitong sinulyapan si Vice at inayang maupo.

"Take a seat, Vice. Coco, ikuha mo nga si Kuya Vice mo ng plato." ani Zsa Zsa na mabilis namang pinutol ni Vice.

"Ako na po ang kukuha," magalang na sabi nito as he placed the paper bag sa table. "Daddy Vice made pancakes and chocolate milk for you oh," dagdsg pa ni Vice habang inilalabas ang mga ginawa niya.

"But I'm full," mahinang sabi ng bata.

"Hindi ka pa nga nangangalahati sa hotdog na ibinigay ko sa 'yo busog ka na agad?" sabat ni Zia sabay turo sa hotdog na ibinigay niya sa pamangkin.

"I'm full," pag-uulit pa nito habang inilalayo ang tingin sa kahit na kanino.

"Ganoon ba? Kuya Vice, akin nalang 'yung pancakes!" hyper kuno na pang-aasar ni Coco sa bata.

"Tapos akin 'yung chocolate milk," segunda naman ni Zia na inabot na ang chocolate milk na nasa harap niya.

Nagpipigil lang sa pagtawa ang magkapatid dahil alam nilang hindi rin makakatiis si Klang lalo na sa usapang pancakes. Hinihiling naman ni Vice na sana magbago ang isip ng anak at kunin nito ang hinanda niya. Ilang segundo pa ang lumipas ay nag-look up na ang bata sa momsie nito habang nakanguso.

"Momsie, diba bad 'yung nikukuha ng hindi iyo po?" malambing na sabi ni Klang kaya mabilis naman na tumango si Zsa Zsa. "Ba't nila nikuha 'yung pangkeyk ko po?"

"Kasi you said, busog ka na." her momsie answered back.

"Pewo di ko naman nisabi po na ayaw ko ng pangkeyks eh," katwiran pa nito. "I can eat those mamaya po,"

Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon