Chapter 6 -- You Ruin Me

33 0 0
                                    


Nakasagap ng balita si Lian tungkol sa pagtulog dati ni Gk sa bahay nina Jared. Pa'no ba naman kasi ni libre niya lang si Mart, eh nag kwento na siya ng bongga tungkol kina Jared at GK. Pawang katotohanan lang naman ang mga pinagsasabi ni Mart. Kaya itong si Lian agad na ni report sa bff niya ang kanyang nalaman.


"What? Is that true?" Gulat na tanong ni Veronica kay Lian.


"Oh yeah, Mart told me so. Inuto ko pa siya para marami akong malaman tungkol sa dalawa, no. Just say thanks to me."


"May tinatago din palang kalandian ang babaeng 'yon."


"Tama. Kaya no wonder kung may nangyari na sa kanila ni Papa Jared."


Napatingin sa kanya si Veronica at may naisip itong masama laban kay Gk. She smirk. "I'm telling you, that Gothica Witchika will be out of her place here in MaryXavier." Ngumiti na naman ulit siya ng matalim.


Nakita ni Veronica ang papadating na si Gk kaya sinalubong niya ito. "Hoy, ikaw!" Sabay tulak kay Gk.


"Ano na naman ba ang problema mo?"


"May gusto kaba kay Jared?" Mabilis na tanong ni Veronica.

Natawa naman si Gk sa tanong na 'yon ni Veronica. "Sinugod mo'ko para tanungin lang yan? Langya, ang babaw!"


"Pwede ba, sagutin mo na lang yung tanong ko? May gusto kaba kay Jared?"


"You know what, Veronica? Kung may gusto man ako sa kanya o wala, labas kana dun." Paalis na siya pero pinigilan siya ni Veronica.


"Tigilan mo na siya."


"Alam mo? Yung ayaw ko sa lahat ay yung uutusan ako sa dapat kong gawin. I will do everything I want and there is nothing you can do about it. Kuha mo?" Paalis na ulit sana siya pero as expected pinigilan siya ni Veronica. "Veronica, will you please get over me? You always talk about me as if I am an obsession. Wala kana bang ibang alam na gawin kundi ang bwisitin ako?"


"Ka bwisit-bwisit naman kasi yang pagmumukha mo, dagdag mo pa ang kapal. So, kinuha mo na lahat."


"Tss! Nagkaka ganyan ka kasi siguro akala mo ikaw ang sentro ng atensyon but suddenly I showed up. End of your show. Tsk, tsk!"


"Tama ka, malamang sa gagawin ko sa'yo ngayon eh ikaw na talaga ang maging sentro ng atensyon."


Ano na naman ba ang binabalak ng bruhang 'to? "Kung nagagalit ka dahil akala mo may gusto ako kay Jared, mas magalit ka kapag nalaman mong ako ang mas gusto niya kesa sa'yo." Hindi ko naman talaga alam kung gusto niya ba'ko kesa sa bruhang 'to. Kailangan ko lang sabihin "yon para tumigil na ang gagang 'to.


"Ah, so gusto mo nga talaga siya? Anong feeling mo, magugustuhan ka niya? In your dreams!"


In my dreams? No! Not even in my wildest dreams. Jared and I were just soooooo friends. Period.


Nagtititnginan na ang mga estudyante sa kanila. Pa'no ba naman kasi kung makapag salita itong si Veronica daig pa ang nakalunok ng limang speaker sa lakas. For all we know sinasadya talaga niyang mag eskandalo. Ang ma eskandalo si GK rather.


Nang makita ni Mart na nag aalboroto na si Veronica kay GK ay agad niyang pinuntahan si Jared. Para sana ito ang pumigil sa dalawa.


"Pare, sina Veronica at GK nag aaway. This time matindi na talaga. Pinag titinginan na sila ng mga estudyante."


Suicide LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon