Kabanata 54

3.4K 79 2
                                    

Kabanata 54 ~ Debut

"Ngiti ka naman." ani ng isang bakla na nag-aayos sa akin.

"Birthday na birthday tapos malungkot." dagdag pa nito.

Kasi may biglang sumagi sa isip ko. Debut ko na pero wala pa ring nangyayaring maganda bukod sa kami. Hindi ko pa alam kung nasaan si Emmiel. Wala pa akong balita sa kaniya.

Ang ginawa sa akin ni titang gown ay long gown na makambong, red, sa pagkakaalam ko ay hindi expose ang dibdib. Hindi naman sa kita ang cleavage pero parang makikita na dahil sa may pagka-transparent 'yong ibang part.

Pagkatapos akong ayusan ay inalalayan ako no'ng bakla para bumaba sa hagdan namin. Si mama lang ang naghihintay sa baba dahil sila kuya at Dad ay nasa venue kung saan gaganapin ang debut ko. Isa itong five star hotel.

"Naku,  ang ganda naman ng baby girl ko. Ikaw ba 'yan?" ani mama na masayang-masaya.

Tumango lang ako sa kaniya.

Sumakay na kami sa van namin at pagdating doon ay ingat na ingat sila na huwag masira ang gown at make-up ko.

Pagdating namin sa mismong pinto ng five star hotel ay rinig ko na ang mga musiko na tumutugtog. Binuksan ko na ang pinto na kung saan makikita ko na silang lahat.

May narinig akong nagsalitang emcee na may kung anong sinabi at nagsimula na akong maglakad papunta sa pinaka-stage. Napakaraming bisita! Nakita ko na rin sila Rex at si kuya Zein at mga kaibigan niya. Gwapo silang lahat sa mga suot nila.

"Let's start the celebration! Happy 18th birthday to our Princess, Princess Freyazia Caviezel!" ani emcee.

Tumayo na ako para magsalita.

"Good evening to all of you. I just want to say thank you for coming to my 18th birthday. I didn't expect to have this many visitors in my party. This is my 18th birthday so I hope it would be the happiest birthday of my life." 'yon lang ang tanging sinabi ko pero nagpalakpakan pa rin silang lahat.

Ngumiti na lang ako. I hope so.

Wala si Denice at lolo't lola niya lang ang nandito.

Umupo na ulit ako pero maya-maya pa ay tumayo na naman ako para sa isang sayaw na ni-practice namin.

Of course my escort is no other than, my boyfriend.

Nilahad niya ang mga kamay niya kaya inabot ko ang kamay ko. We're like a Prince and Princess.

Nagsimula na ang tugtog at kami ay nagsimula na ring sumayaw.

"Any message for me?" nakataas kilay kong tanong sa kaniya.

Umiling lang siya. Mph, kainis. Message lang hindi pa makagawa.

Habang nagsasayaw ay seryoso lang ako at hindi siya kinakausap. Nagpo-focus ako sa sayaw kahit ang totoo ay naiinis lang ako sa kaniya.

Pagkatapos ng naganap na sayaw ay 18 gifts mga classmates ko sa Academy,  18 balloons mga naging ka-close ko na rin sa University, 18 candles ay sa mga tita at pinsan kong girls, yong iba relatives din at si Gabbie, 18 roses mga tito ko, pinsan kong boys, ibang relatives and Rex.

Sana naman may sasabihin na siya sa akin.

Tinigil muna hanggang 18 balloons dahil kakain na raw tapos mamaya na lang 'yong another two.

Kumain na ako pero hindi ko dinamihan. Baka mabusog ako at sumikip sa akin 'yong gown.

Pagkatapos ng kainan ay muli itong sinundan ng 18 candles.

Lumapit na sa akin si tita Zia.

"Naku ang ganda mo naman. Happy Birthday! Wish ko. Sana magkaroon ng magandang lovelife ang pamangkin ko." aniya at hinipan na ang kandila saka binigay sa akin.

Napatawa na lang ako sa sinabi niya.

Sumunod naman ay si Tita Erica.

"Aking pamanks! Ayon, alam mo kahit na bago ka lang dumating sa buhay namin ay ramdam na ramdam na namin na isa ka ng mahalaga sa buhay naming lahat. Huwag kang maiilang sa amin, okay? Magwi-wish na nga ako. Mauubos na 'yong kandila. Sana, magkaroon ka ng magandang anak!" hala grabe.

Kung sino pang matatanda sila pa ang gustong magkaroon ako ng lovelife at anak.

Pagkatapos ng dalawa kong tita ay iyong mga pinsan ko namang girls.

Si Kiree, Leik and Carlia Aiz ay isa-isang lumapit sa akin para sa wish nila. Pagkatapos nilang tatlo ay relatives and then si Gabbie.

"Marz! Matanda ka na! Huhu. Lol, anyway, ang wish ko ay lovelife, inaanak, apo." pinalo ko nga. Isa pa siya. Loko talaga.

"Uy, joke lang. Ang wish ko talaga ay good health, more birthdays to come, huwag mabago ang ugali mo and don't forget me. Kasama na rin 'yong kanina." aniya at binigay na sa akin ang kandila at mabilis na umalis.

Si Mama!

Ito ang first time na may nanay ako sa birthday ko.

"Ang ganda mo talaga baby girl. Naiilang ka pa rin ba?" tanong ni Mama.

Tumawa naman ako dahil sa sinabi niya.

"Hindi na po ano. Ang kapal na nga po ng mukha ko, e." sabi ko.

"Okay, ang tanging hiling ko para sa'yo ay magkaroon ng magandang pamumuhay o payapang pamumuhay." nakangiti niyang sabi.

Nakaka-touch naman.

18 roses na!

Una si Dad!

Nakangiti siyang sumalubong sa akin. Inabot ang hawak niyang rosas. Sumasayaw kami habang nagsasalit siya.

"Dalaga ka na. Wala na kaming baby girl. Mag-ingat ka palagi at huwag gagawa ng masama. Masaya kaming lahat dahil bumalik kang muli sa buhay namin." ani Dad na pinalitan ng atat na si kuya Zein.

"Kuya ano ka ba?! Nag-uusap pa kami ni Dad." sabi ko.

"Tss, marami pa kayong time sa bahay." wika ni Kuya.

"Bakit marami ka bang sasabihin?" taong ko.

"Super princess." in-isa-isa na ni kuya ang mga gusto niyang sabihin.

Salamat dahil tinanggap ko sila bilang isang pamilya.

Huwag ko na raw siyang inisin. Ako pa? Baka siya.

At ang pinaka nagustuhan ko sa lahat ay ang 'We love you'.

Mga kaklse ko na ang sumunod at pagkatapos nila ay ang pinaka-last.

"Rex." bulong  ko habang nakatingin sa kaniya sa malayo.

May sasabihin na kaya siya ngayon.

Dalawang metro na lang ang layo namin ng may magsalita.

"Ang Papa mo ba ang last dance?" napatingin ako sa nagsalita.

"Papa?" then all the lights turn off.

Unveiling the Secrets of the Innocent PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon