Chapter 27

592K 15.7K 2.5K
                                    

Chapter 27


How can I make him calm? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Should I talk? Pero anong sasabihin ko.

He's totally mad Florence...mali ba na sinunod ko ang mga kaibigan ko? But I need to think! I need time to think about my decisions. Nero will be a distraction if I'll continue to communicate with him for the whole two weeks..But what now? Nasaan na ang two weeks na ipag iisip ko?

Ito na nga at bumalik na ang hari ng mga Shokoy at galit na galit lang naman. Papaano niya ako nahanap agad? What about the seminars? What about Cassidy? Kasama niya kaya ito pag uwi?

Sa dami ng naiisip ko ay wala akong masabi. I might said something that will trigger his temper? 


He's still leaning his head on my shoulders and he's not making any move. Ganito na lang ba kami hanggang mamaya? Should I make a move? But I'm too nervous.


"Er..m Nero?" marahan kong inilagay ang isa kong kamay sa kanyang mga braso. Kinakabahan ako, masama pa namang magalit ang Shokoy na ito. Mahaba habang pag aalo ito Florence.

Naramdaman ko ang dahandahang pagpulupot ng kanyang mga braso sa akin. I even felt his hands caressing my long hair.


"Are you mad? Dahil umalis ako? You should have tell me Florence. I won't go if you stop me but please don't do that again, don't ignore me" halos matulala na lang ako sa narinig ko, akala ko ba ay galit siya? Bakit ako ang tinatanong niya ng ganyan?


"No Nero hindi, nasira lang ang phone ko. Yes, I broke it.." napapikit na lang ako sa pangangatal ng boses ko. Great Florence! You're so good at lying.


"Tsss.." 'yon lang ang narinig ko mula sa kanya bago siya kumalas sa akin.


"How about the seminars Nero? What about Cassidy?" tinalikuran niya ako at nagsimula siyang mag inat inat habang pinagmamasdan ang kabuuan ng suite ko. Hindi lang pala napipipi ang mga Shokoy, nabibingi rin pala paminsan.


"Hindi ko tinapos. I left Cassidy there" maiksing sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko. What the hell?


"Nero! Anong sasabihin mo? Bakit ka biglang umuwi?! God! Nero atleast cooperate this time! Let me handle this one! Why can't you put a little effort?!" halos sabunutan ko ang sarili ko habang pinagmamasdan ang Shokoy na preteng inihiga ang sarili sa malapad na couch na may throw pillow na niyayakap.

What the hell? Why is he acting so cool?


"Nero, I'm still talking to you" nakapamaywang ako ngayon sa Shokoy na nagkukunwari nang natutulog.


"I'm tired Florence, can we talk later? Or you can join me sleeping here" itinaas niya ang kilay niya sa akin.


"I have enough sleep, ikaw na lang" matabang na sagot ko sa kanya.


"Okay, just give me one kiss Florence. Come here... you owe me one" nanatili akong nakatayo habang pinapanuod siya sa couch na mukhang tamad na tamad sa buhay.


"Florence.." napabuntong hininga na lang ako sa tonong ginamit niya. Nagkunwari akong padabog na naupo sa couch. Akala ko ay babangon siya pero nanatili siyang nakahiga sa couch. Ano na naman ang gusto nito?

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon