~9~ Sorry Na

242K 7.3K 1K
                                    

 

~9~  SORRY NA

 

DUSTIN’S POV

 

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway nang mahagip ko ng paningin si Chloe. Napahinto tuloy ako sa paglalakad at pinagmasdan siyang nakaupo sa bench habang nagbabasa ng notes mula sa malayo. Takte! Anong gagawin ko? Nagsorry naman na ako sa kanya kagabi diba? Hindi nga lang personal pero… ugh! Hindi pa rin ako matahimik.

What’s with that girl that made me bother like this?

Bahala na… Basta magsosorry nalang ako. Nasa sa kanya naman yun kung hindi niya ako papatawarin. Basta ako, magsosorry. Tapos! Tsk!

Palapit na ako sa kanya nang bigla siyang mag-angat ng tingin. Nagkasalubong ang mga mata naman at sabay din kaming umiwas ng tingin. Anak ng ****! Ano bang nangyayari sa akin?

Nabwisit ako nang biglang may lumapit sa kanyang dalawang lalaki. Pinagitnaan pa siya ng dalawang ito pero alam kong nakatingin pa rin si Chloe sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko nalang siya nilagpasan at dumiretso nalang sa car park.

Sh*t… What’s wrong with me? Magsosorry lang pero naduduwag pa???! UGH! AYOKO NA NGA!

 

 

CHLOE’S POV

 

“In fairness, Warren. Ang sarap mong magluto. Supeeeeeeer!” Sabi ko sabay subo ko pa ng isang spoonful ng paella ala Warren. :)

“Salamat, Chloe.” He replied with his smile.

“Kapag dito kayo talaga tumira for good, malamang tataba ako sa sarap ng luto niyong dalawa ni Sheen,” tinignan ko si Sheen. Wala man lang kibo ang loko dahil busy sa pagkain niya. “Sheen, hinay-hinay. May bukas pa!”

“Nagutom ako, Chloe eh,” natatawang sabi niya saka siya uminom ng tubig.

Thursday na. Second night na nina Sheen at Warren sa pag-i-stay sa bahay namin. So far so good. Wala namang hassle. Hindi rin naman kasi sila palatambay sa bahay. More time on school kasi sila. Well, hindi ko lang alam tuwing weekends. Basta, mababait naman silang housemate. Lagi kasi akong busog. Mehehehe~ *u*

Pagkatapos naming kumain ng dinner ay nagkanya-kanya na kami. Hinayaan nalang namin ang housemaid namin na maghugas ng mga pinagkainan namin since tinatamad ako at sila Sheen at Warren naman ang nagluto. Masama pala yung nagluto ka tapos magbabasa ka ng kamay? Baka raw kasi mapasma. Oh well, thoughts to ponder. :””>

“Matutulog ka na, Chloe?” Tanong sa akin ni Warren habang paakyat kami ng hagdan. Parehas kaming pupunta sa kanya-kanya naming kwarto. Si Sheen? Ayun, nasa swimming pool area. Nagrereview daw para sa quiz nila bukas. Medyo studious kasi ang peg nun. XD

“Hindi pa naman. Bakit?”

Nagkibit-balikat siya. “Nuod tayo ng movie pagkatapos ni Sheen magreview. Gusto mo?”

“Anong panunuorin?” Wala naman akong ibang gagawin kaya ayos lang ^_^

“May binili akong DVD nung Linggo. Comedy…”

“Ay, sige-sige… Katukin mo nalang ako sa kwarto ko kapag manunuod na tayo ha?”

Tumango-tango naman siya. “Sure…”

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon