Chapter 3: Transfer

395K 16.1K 2.4K
                                    

A/N: This chapter is dedicated to tiami_24 at kay @LeftHanded_o8 maraming salamat sa mga votes and comment nung previous chapter haha. Credits kay LefHanded_o8 for the awesome book cover! :) Enjoy reading. ❤

--------------------

Nandito na ako ngayon sa tapat ng gate ng school. Hinanda ko na ang sarili ko dahil panigurado, may mga nakahanda na namang surpresa ang mga estudyante para sa 'kin.

Binalik ko na ang dati kong itsura. The nerd get-up. I stepped in at diretsong naglakad papuntang hallway. I can sense that every eyes were on me. Tss... as if I care.

"Shea!" Bigla akong sinalubong ni Katie ng yakap. Ano na naman ba ang pakulo ng isang 'to?

Si Katie na number 1 sa pangbu-bully sa 'kin yayakapin ako? Tanga ang maniwala.

"I'm sorry for what I've done yesterday. Naisip ko rin kasi na mali pala ang manakit ng kapwa and I'm really guilty right now. Hope you'll forgive me." Seryosong sabi niya habang nakayakap sa 'kin.

"Okay lang." Tipid kong sagot.

She let go of me and smiled. Halatang pilit.

"At dahil dyan, we'll treat you something! Yaay! Girls?"

Lumapit yung apat niyang kasama at may dalang sulat? Wait, that's my letter to William. Binigay ko 'yan sa kanya kahapon. Damn it. Sabi ko na nga ba.

"Narinig namin that you confessed to William yesterday. So dahil friends na tayo," at umarte pa siyang parang nasusuka. Nagtatawanan tuloy ang mga estudyante sa paligid namin. "Sisiguraduhin naming makakarating sa kanya ang message mo."

The crowd formed an isle and there goes William with his squad. Tsk, grabe ang effort niyo para sa 'kin ha. Nakakatouch. Iiyak na ba ako?

Nagtilian ang karamihan dahil sa kanila. Pati narin ang puso kumakarera na. Dapat mapigilan ko siya sa pagbabasa!

"Hey babe, do you want me to read the message of this freak?" nakangising tanong ni Katie.

"Sure babe." He grinned while looking at me.

"So it goes this way, Dear William..."

No, huwag mong basahin. Huwag mong basahin!

"Stop it." I'm burning right now. Parang may gustong kumawala sa aking katawan.


Third Person's POV

Natigilan ang lahat sa nakakakilabot na boses galing kay Shea. Nakatungo siya ngayon kaya hindi makita ang ekspresyon niya.

"Aww... bakit naman? Takot ka ba na malaman ng lahat na isa ka talagang haliparot? Ang pangit pangit mo na nga, may kalandian ka pa palang nalalaman. Kasing kapal ng mukha mo 'yang kalandian mo. Wala kang kwenta. Hahaha! Kanino ka kaya nagmana? Ah, siguro sa nanay mong haliparot din 'no? Dahil sa sobrang dikit niya sa mga lalaki, kasing pangit ng ugali niya ang naging bunga-" Napatigil siya nang magsalita si Shea.

"Don't ever mention my mom here." Nakakakilabot ang boses ni Shea. Natahimik ang lahat.

Humangin ng malakas na nakapagtataka kung saan galing dahil nasa loob sila ng building. Nanayo ang mga balahibo ni Katie maging ang ibang nanonood.

Inangat ni Shea ang kanyang mukha at nagulat ang lahat sa kanilang nakita. Her eyes were blue. Mukhang natanggal yata ang kanyang contacts. Kitang-kita ito kahit nakasalamin pa siya.

"Kung may haliparot, malandi, bitch, slut, o whore man dito, ikaw yun. 'Wag na 'wag mong idamay ang ina ko sa walang kwentang pinagsasabi mo na ikaw lang din ang lumalarawan. You don't know who you're dealing with." she said in an icy voice that almost pierced their soul with fear. Parang panandaliang kumislap ang mga bughaw niyang mata dahilan para mapaatras si Katie.
Tahimik pa rin ang lahat. Napipi sa nakita.

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon