[W.O.F] CHAPTER 18: A RELENTLESS BATTLE

1.9K 84 0
                                    

K I R O

"Aaaaaaahh!"

Nagkakagulo na ang mga tao. Kanya-kanya sila ng mga isinisigaw.

"Para sa pamilya ko!"

"Para sa kapatid ko!"

"Para sa buhay ko!"

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

*thunder growls sfx*

Gusto kong igalaw ang mga paa ko pero pinipilit kong sana wag nalang gumalaw. Sana wag nalang akong kumilos dahil alam ko kung ano nanaman ang mga pwede kong magawa. Napapikit nalang ako nang may tumalsik na dugo sa harap ko. Natamaan ako nito sa pisngi. Nanginginig ang kamay ko nang punasan ko ito at tiningnan.

Nilibot ko ang paningin ko. Hinanap ko si Silver, si Clyde at si Zeth pero hindi ko sila makita. Nagsimula na akong mataranta at agad na tumakbo para hanapin sila.

"Silver!" tawag ko.

*takbo*

"Clyde!" tawag ko.

*takbo*

"Zeth! Nasaan kayo?!" sigaw ko pero wala akong Silver, Clyde at Zeth na makita.

Hindi pwede. Hindi pwedeng magkatotoo ang panaginip ko! Hindi pwedeng mamatay sila!

Sa kakatakbo ko, hindi ko napansin na may nasanggi na pala ako. Dahil sa pagod ko, napa-upo nalang ako. Agad siyang napatingin sa'kin.

"P-pasensya na p-pero kailangan kitang patayin." sabi niya. Alam kong ayaw niyang gawin 'to. Nanginginig ang mga kamay niya habang nakatutok sa'kin ang espada niya.

"Aaaaah!" sigaw niya at agad niyang iwinasiwas sa'kin ang espada niya. Agad ko naman itong nailagan. Pagkatayo ko, hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Pinatay kaagad siya ng isang player na nasa likod lang niya.

"15 down." nakangising sabi niya habang nanlilisik ang mga mata niya.

Ano kamo?! Kinse?! Ang dami na niyang napatay! Hindi na 'to tao, demonyo na 'to! Hindi na niya alam ang ginagawa niya!

Agad akong tumakbo ng mapansin kong ako naman ang tina-target niya. Lumingon ako sa likod at nakita kong sinusundan niya parin ako.

"Papatayin kita! Hahaha!" sigaw niya. Maya-maya, napahinto ako sa pagtakbo nang marinig ko siyang sumigaw. Agad kong nilingon ang lalaking humahabol sa akin at nakita ko siyang nakahawak sa espadang nakatusok sa tiyan niya. Agad din siyang naglaho at napatingin ako sa babaeng pumatay sa kanya.

"Z-Zeth?..." di makapaniwalang sambit ko.

H-hindi totoo 'tong mga nakikita ko diba?

Tumingin siya sa'kin pagkatapos maglaho ng lalaki. Agad siyang tumakbo at niyakap ako. Umiyak siya ng umiyak.

"Kiro! H-hindi ko hahayaang patayin ka niya!" humihikbing sabi niya. Niyakap ko siya pabalik ng mahigpit. Alam ko ang nararamdaman niya ngayon dahil naranasan ko na din 'yan. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kaya napagdesisyunan kong yakapin nalang siya ng mahigpit.

"Alam mo bang kinse na ang napatay niya?" pagkasabi ko nun, bigla siyang tumigil sa paghikbi. "Gaya ng sinabi niyo sa'kin... tama lang ang ginawa mo." sabi ko sa kanya at kumalas na siya sa pagkayakap.

"N-nakita ko kasing papatayin ka niya kaya wala akong ibang choice kundi ang patayin s-siya." sabi niya at pinunasan ko ang mga luha niya.

"Wag ka ng umiyak. Salamat sa pagligtas mo sa'kin." sabi ko. Maya-maya, biglang nanlaki ang mga mata niya.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon