Chapter 33 "Kidnapped"

66.4K 2.6K 150
                                    

Third Person's POV

"Two weeks na lang,hon," sabi ni Saimon kay Yumiko habang naglilibot sila sa isang mall.

Busy sa pamimili ng damit si Yumiko habang ang asawa nya naman ay nakabantay lang sa kanya.

"Ow really?Then,we have to go back to the Philippines na pala," she giggled while looking at a fine red dress.

"You have to fix your problem with your daughter,hon.You'll pass your position to her soon.You should trust her in any way."

"Cutie bear ko,hindi dapat ako ang unang lumapit sa kanya.Sya ang may kasalanan sa 'kin."

Naglakad si Yumi papunta sa counter para bayaran ang mga napili nya.Nakasunod lang sa kanya si Saimon na bitbit ang napakaraming paper bag.Hindi na nakakagulat 'yan.Sa lagay ng mga dala ni Saimon ngayon,hindi pa sila nangangalahati sa pagsha-shopping.

"But hon.Alam mo naman ang ugali ng anak natin.She's loyal to her words.A prideful lady."

"Mana sayo?"

"Yumi..."

"Alam mo,cookie pie ko,saka na lang natin pag-usapan 'yan,okay?Kumain muna tayo.Sige na~"

Kumapit sya sa braso ng asawa nya at ngumuso.Nagpapa-cute na naman si Yumi.

Saimon groaned.

"Are you even taking things seriously?Tss..."

Hinawakan nya ang kamay ni Yumiko at naglakad na papunta sa isang restaurant pero hindi pa sila nakakapasok ay huminto na si Yumi.May tinitignan sya.

"What is it,hon?"

"Love ko...KYAAAAAAHHHH!Kulay gold na kimono!"

Parang isang batang nakakita ng napakalaking cotton candy si Yumi.Nagtatakbo sya habang sumisigaw papunta sa kimono.That's an...awkward moment for Saimon.

"K-kelan ka pa nahilig sa gold?"

"Kyaaaaaaaahhhh!"

What will you do if your wife is running like a crazy woman in the middle of a crowded place,screaming 'Kyaah!' everywhere while waving her hands in the air?Cover your face?Ow.That's the exact thing Saimon did.

But...Yumi's irritating 'kyaah' suddenly stopped.

Unti-unting tinanggal ni Saimon ang pagkakatakip ng isang kamay nya sa mukha nya.Lumingon sya sa paligid.

Wala na si Yumiko.

"Yumi?"

Palinga-linga sya sa mga taong naglalakad.Iniisa-isa nya ang mga mukha nila ngunit wala ni isa man sa kanila si Yumi.

Kinabahan sya.Hindi pwedeng basta-basta na lang nawala si Yumiko.Tarantang naghanap si Saimon sa kung saan-saan.Pinuntahan nya ang kimonong itinuturo ni Yumiko pero wala doon ang asawa nya.Dumadami na ang tao sa paligid na lalong nagpakaba kay Saimon.

"Yumi?!"

Nagpaikot-ikot sya ng tingin.Umaasang may nakita lang na kung ano si Yumiko at doon pumunta.Tatawagan na sana ni Saimon ang phone ni Yumi nang may mahagip ang mata nya.Napahinto sya.

Sa 'di kalayuan,isang lalaking nakasuot ng itim na jacket,bonnet at face mask ang nakikisiksik sa kumpol ng mga taong namimili.Buhat ng lalaki ang walang malay na si Yumiko.

"Sh*t!"

Binitawan ni Saimon ang lahat ng dala nya at mabilis na tumakbo papunta sa direksyon kung saan dumaan ang lalaki.Mukhang naramdaman ng lalaki si Saimon kaya lalo itong nagmadali sa paglalakad.

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon