Chapter 32 "Lovers Quarrel"

72.9K 3K 609
                                    

a/n:Sorry kung ngayon lang 'to.

Third Person's POV

Sa mansyon ng mga Almante sa Japan...

"Gusto ko ng kulay blue na mansanas!"

Pagmamaktol ni Yumiko.Si Saimon naman,napapakamot na lang sa ulo nya dahil sa kung ano-anong non-existing na pagkain na hinihingi ng asawa nya.

"Hon!Saan naman ako kukuha ng mansanas na kulay blue?Yung pula na lang.Mas masarap 'yon."

Lumapit pa si Saimon kay Yumi at nilambing ito.Niyakap nya ang asawa at parang nagpapaawang ngumuso.

"Naku,Saimon!'Wag mo akong dinadaan dyan sa mga pa-cute mo!Gusto ko ng mansanas na kulay BLUEEEEEE!"

Napapapikit na lang sa kawalan ng pag-asa si Saimon habang yakap ang nagmamaktol nyang asawa.Tatlong buwan nang buntis si Yumiko at halos tatlong buwan na ring ganito ang eksena nila.Idinadaan na nga lang minsan ni Saimon sa pang-uuto ang mga weirdong bagay na gustong kainin ni Yumiko.

Mapapansin ngayon sa katawan ni Yumiko na medyo tumaba na sya dahil sa kakakain.Mas moody sya ngayon at talaga namang hirap na hirap na si Saimon dahil ipinagsasabay nya ang pagtatrabaho at pag-aalaga sa asawa nyang ayaw magpahawak sa iba kundi sa kanya lang daw.

"Hon...maawa ka naman sa 'kin...Pagod na pagod ako galing trabaho tapos eto lang isasalubong mo sa 'kin?Blue apple?Where in hell will I find that?"

Tumingin si Yumiko kay Saimon na parang paiyak na.

"Waaaahhh!Huhuhuhu!"

At 'yon na nga.Umiyak na sya at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto.

"Hindi na ako mahal ng asawa ko!Ayaw na sa 'kin ng asawa ko!Waaaahhh!Magpapakamatay na ako!Magpapakamatay ako!"

"Yumi!"

Tuloy lang sa pagbaba sa hagdan si Yumiko habang umiiyak.Nagulat na lang sya ng biglang umangat ang mga paa nya at lumutang sa ere.Binuhat sya ni Saimon in bridal style.

"'Wag mo ngang sabihing hindi kita mahal.Mahal na mahal kita,okay?'Wag ka nang umiyak."

She pouted and hugged her husband by wrapping her arms to his neck.Isang halik ang ibinigay sa kanya ni Saimon bago sya ibaba nito sa couch.

"Hon,just imagine.Ano na lang ang lasa ng mansanas na kulay blue?Mas masarap talaga yung red or green,trust me."

Lalong napa-pout si Yumiko.

"Oh sige...yung red na lang,cutie pie..."

Isang ngiting tagumpay ang naging reaksyon ni Saimon.Hindi nya alam kung dahil ba sa pagbubuntis pero ang bilis mauto ngayon ni Yumiko.

"Hindi ka magsisisi sa red na mansanas,Hon."

Tumawag ng maid si Saimon at agad ipinahanda ang mansanas.Naupo sya sa tabi ni Yumiko na ngayon ay mukhang iba na naman ang mood.Parang trip naman nitong maglambing.

Yumakap sya kay Saimon at hinalikan 'to sa pisngi.

"Pagod ba ang cupcake ko~~?"

"Yes,hon.Ang dami kasing trabaho sa company."

"Aw...kawawa naman ang cookie bear ko..."

Pinahiga ni Yumiko si Saimon sa lap n'ya at dahan-dahang hinilot ang ulo nito.How sweet...?'Di ba,ang sweet nila?Ah...'wag n'yo na lang alalahanin yung tungkol sa paghahanap ng asul na mansanas.

"Hon,malapit na yung birthday ng kambal.May plano ka na ba?"-Saimon

"Hmmp.Si Shun,ipaghahanda ko ng party!Pero si V?!Bahala s'ya sa buhay n'ya!"

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon