Chapter 18

2.9K 129 48
                                    


Chapter 18 - Jalousie


"Austin?" nanlalaki ang mga matang bulalas ko.

"Alisson?" he says, eyes are wide too. Gawd, mas lalo pa siyang naging gwapo! Tumangkad din siya ng ilang inches! Then he flashes a huge smile as he pulls me in for a tight hug, "It's been a while! Kumusta na?"

"I'm good!" I say as I hug him back. Ika nga, seize the opportunity.

Si Austin lang naman ang kauna-unahang crush ko. Ikatlong taon namin sa middle school nang mag-transfer siya sa Langston. Finally, as in FINALLY, bukod sa best friend naming si Luke, nagkaroon na ng isa pang gwapo sa school namin.

Crush na crush ko si Austin noon, it's the first time in forever na nalaman kong pusong babae pala ako. Madalas kaming tawagin at tuksuhin noon ng mga classmate namin na tomboy daw kami ni Charlie, dahil panay ang pakikipag-away namin, hindi rin kami umaatras sa mga naghahamon sa'min ng away, mapababae o lalaki. Naniwala naman ako, baka nga tomboy ako.

Tapos nangyari nga ang paglipat ni Austin, king ina. Kilig to the bones ako kapag nagkakatinginan kami. Hindi ako makapagsalita ng maayos kapag nasa malapit siya, para akong natutulirong ewan. Ganern. Mabait kasi ang hunghang na 'to e, hindi siya snob at talagang sobrang friendly kaya tumindi at lumalim ang pagka-crush ko. Classmates pa kami at talagang naging close. Halos bugbugin ko sila Charlie noon para lang hindi nila ako tuksuhin kapag magkasama kami ni Austin.

Graduation ball, aayain ko sana siyang maging partner. Napakabait niya, kaya alam kong hindi niya ako matatanggihan. Ang kaso, may partner na pala siya. 'Yong mouse este muse namin na nakalimutan ko na ang pangalan. Basta 'yon ang naging partner niya.

Sobra akong nalungkot noon, king ina. Muntik pa kong maiyak. I even consider that my first heartbreak.

Wala akong naging partner sa ball, hindi naman ako nag-iisa. Kasama ko naman ang tatlo kong best friends na mga sawi rin. I'm so glad I have them.

Nang mag-high school, wala na akong naging balita kay Austin. Huling kita ko sa kanya noong graduation namin nang middle school. Pinag-isipan ko pa siyang bigyan ng gift no'n, pero hindi ko tinuloy. Lelang niya, bibigyan ko pa siya ng gift ang winasak niya nga ang batang puso ko?

Harot! Kaka-second year high school ko pa lang. Hindi pa 'yon ganon katagal, at hindi naman talaga nawasak, e. Nalungkot lang talaga ako.

Well, past is past. Nakapag-move on na ako. Walang halong char.

Pero crush ko pa rin siya ng slight.

"It's so good to see you!" he says as he lets me go. "Did you transfer in Luxford?" tanong niya habang pinagmamasdan ang uniform ko.

I nod shyly.

"Kailan pa?"

"This school year lang. Ikaw kumusta na?"

"I'm good, too." he smiles, "Nakakamiss ang Langston. But it's fun in Saunder."

Dumako ang tingin ko sa uniform niya. I know that uniform too well. It's the same as Troy's noong unang pagkikita namin, n asana 'wag ng masundan pa. Kaya pala familiar ang uniform niya, sa Saunder din kasi nag-aaral si Loise.

"Bagay sa'yo ang uniform mo, lalo kang gumanda."

Nakalimutan kong pa-fall nga pala ang hunghang na ito. But then again, ganyan talaga si Austin. Assuming lang ako masyado.

"T-thanks." I say smiling shyly as I tuck a stray hair behind my ear. Hindi ko pa naibababa ang braso ko ng may biglang humawak dito. The next thing I know, kinakaladkad na ako ni Orange. Syet, kasama ko nga pala si Sungit! "Orange, ano ba?! Bitaw nga!"

Pretending with the Snob (Pyxis #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon