[W.O.S] CHAPTER 27: THE REVELATION

2.2K 92 19
                                    

(A/N: Hola guys, sa mga nagugulat po kung bakit chapter 27 ito, papaliwanag ko po sa dulo ng chap na 'to kasi baka spoiler 'yung masabi ko or baka nabanggit ko na sa past chapters nalimutan ko lang haha. Basta see my note again sa last part ng chap na ito. Enjoy reading!)



A S H E

Walang tigil sa pakikipaglaban ang mga tao. Ilang araw na kaming nakikipaglaban at halos hindi talaga sila maubos-ubos. Paano ako makakapunta doon? Kailangan kong makapunta na doon sa lalong madaling panahon. Pero hindi ko naman pwedeng iwan ang mga tao dito lalung-lalo na si Mist. Kailangan nila ako dito. Kakaunti nalang kami at sobrang dami ng kalaban. Lahat ng nakalaban namin sa WOM at sa WOS ay nandito na lahat-lahat.

Ano bang gusto 'niyang' mangyari?!

Napatingin ako kay Mist ng bigla siyang mapatalsik.

"Mist!" sigaw ko at agad na lumapit sa kanya. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko.

"O-oo." sabi niya habang inaalalayan ko siyang tumayo. Napatingin ako sa familiar niya, kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Tiningnan ko siya at hinawakan siya sa balikat.

"Wag kang mag-alala sa master mo, Luck. Ayos lang siya." sabi ko sa kanya. Agad naman siyang tumango at tumabi sa master niya. Maya-maya, bigla nalang akong napahawak sa ulo ko. Bigla kasing sumakit ito.

"Ayos ka lang ba Asky?" tanong ni Mist sa'kin.

"O-oo. Ayos lang ako." sabi ko sa kanya.

*boooooooom!*

*explosion sfx*

"Hindi niya dapat ginawa 'yun." sabi niya sa'kin.

"Wag kang mag-alala Mist, ayos lang ako. Ang mahalaga, nakaligtas parin ako." sagot ko sa kanya.

"Pero--" hindi ko na siya pinatapos pa. "Sigurado ka ba?" tanong niya.

"Oo." sagot ko naman.


*Flashback*

(The time before Kiro and others transported to WOF)

Takbo lang ako ng takbo. Bawat dinadaanan ko, may mga pinto. Rinig na rinig ko din ang mga yapak ko.

Ano ba 'to? Ang dami namang pinto dito! At saan na ba siya nagpunta? Napakabilis naman niya at nawala na agad siya sa paningin ko. Pakiramdam ko naliligaw na din ako eh. Ang dami naman kasing pasikot-sikot dito. Maya-maya, nakarinig ako ng isang sigaw.

"Aaaaah!"

Napatigil ako sa pagtakbo. Galing ang sigaw sa kwarto kung nasaan sila Mist. Agad akong bumalik sa kanila at hininto muna ang paghahanap sa kanya. Ang mga tao muna ang ipa-priority ko sa ngayon. Mas importante ang buhay nila. Kailangan nila ako doon.

Pagkabalik ko dito, agad kong binuksan ang pinto at nagulat ako sa mga nakita ko.

"Aaaaaaahhh!" patuloy ang page-echo ng mga boses nila sa tenga ko. Naghihingalo na ang mga tao at konti nalang, mamamatay na sila.

Lumapit ako sa laboratory capsule ni Mist. Nakita kong mas lalo pang bumibilis ang paghigop ng lakas niya. Kailangan ko ng kumilos. Kailangan ko ng gumawa ng paraan bago pa mahuli ang lahat!

"Wag kang mag-alala Mist, ililigtas kita. Ililigtas ko kayong lahat." sabi ko sa kanya.

Pumunta ako sa gitna kung nasaan ang main machine. Wala na akong pakialam kung may makakita man sa akin. Wala na akong pakialam kung mahuli ako basta ang importante, mailigtas ko sila.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon