Chapter 38

1M 20.4K 2.9K
                                    

SPG

Chapter 38

Ang After Party

Tinulak ni Jeremy si Jake dahil nag eeskandalo na ito sa buong club. Maging si CJ na pulang-pula na rin at mukhang may amats na ay umaawat na rin kay Jake.

Sa lahat ng mga naging boyfriend ko, itong si Jake ang pinaka seloso. Minahal ko siya. Syempre, siya yung una kong naging boyfriend. Siya ang una kong nagustuhang lalaki. Nagsimula kami sa pagiging tweetums. Nagsimula lahat sa kilig. Pero dahil sa pagiging seloso niya ay hindi ako nagtagal. Hindi ko maiwasang magkaroon ng kaclose na lalaki. Hindi ko maiwasang magsaya at makipagtawanan sa iba. He just didn't like it. So we ended our relationship. Nang nag college kami sa San Carlos, akala ko nag mature na siya. Pero ganun parin ang naging problema.

"Ano bah!?" Tinulak ni Jake si Jeremy kaya bahagya itong napaatras.

"Dude, chill! Tayo na nga sa labas! Yosi tayo!" Sabi ni CJ para pigilan si Jake.

"Hindi, eh! Hindi talaga!" Aniya.

Napahawak ako sa braso ni Jayden.

"You slut, Charity!" Sigaw niya sakin.

Hindi ko na napigilan ang kamao ni Jayden na dumiretso sa mukha ni Jake. Humilata agad si Jake at napahawak sa panga niya. Kinwelyuhan siya ni Jayden at pinatayo.

"You don't call her slut!" Sigaw niya saka sinuntok ulit.

Napasigaw na kaming mga babae sa nangyari. Bumaling si Jayden sakin at umambang babalik na sa akin. Nakita ko sa likuran niyang bumangon si Jake at agad pinagsamantalahan ang pagkakawalang malay ni Jayden. Sinuntok niya si Jayden sa pisngi.

Napasigaw ako at agad nang sumugod.

"JAKE!" Sigaw ko.

Hinawakan ni Jayden ang braso ko at umambang itatabi ako pero napigilan siya nina Jeremy at CJ. Agad hinawakan ang magkabilang kamay ni Jake ng mga bouncer doon sa club.

"Bitiwan niyo nga ako!" Aniya sa mga bouncer na nakapalibot. "Ako ba yung nagsimula eh yung lalaking iyon naman?" Aniya.

"Come on, man! Stop acting like you still have a relationship!" Sigaw ng galit na si CJ.

"Ano naman ngayon? Ako yung nauna kay Cha! At alam kong ako parin, CJ! Not him!" Napangiwi siya nang tinignan si Jayden.

"Really?" Narinig ko ang nanunuyang boses ni Jayden sa likod ko.

"FCK YOU!" Sigaw ni Jake.

"Jake! You're drunk!" Sigaw ko sa kanya. "Stop it!"

"Hindi pa kayo kasal! Wa'g kang pakasisiguro!" Ani Jake.

Hinawakan ni Jayden ang kamay ko at ipinakita ang mga daliri naming dalawa.

"Sino ba kasing nagsabing hindi kami kasal?" Nanunuya parin ang boses ni Jayden. "Kasal na kami at ikaw? Hanggang first love ka na lang. Ako yung tatapos sa mga pagkakataon mo, ninyo, ako ang huli. Kaya walang puwang ang first love dito!"

Hinila na ng mga bouncer si Jake palabas. Nagwawala parin ito habang ginagawa iyon sa kanya.

Bumaling agad ako kay Jayden na nakakuyom parin ang kamay. Hinawakan ko ang braso niya kahit na mejo nahihilo na ako.

"Jayden, I'm sorry. Ganun talaga siya, kahit noon. Ganyang ganyan din siya. Lalo na pag lasing. Pero maayos namana siya pag hindi. Ngayon lang sigur-"

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon