Chapter 47

294K 3.5K 128
                                    

Chapter 47


KEI'S P.O.V


Tahimik kaming umuwi sa Frog House. Hindi kami nagpapansinan simula ng sinabi ko sakanyang tanggapin niya yung project sa New York.


Ayoko naman na maging hadlang sa matagal na niyang pinapangarap dahil masyado ng maraming nagawa sa akin si Kyle at ito na lang yung pwede kong gawin para sakanya ang tanggapin niya yung project sa New York.



Pumasok ako sa kwarto namin pero hindi ko naramdaman na sumunod siya. Isa isa kong tinignan ang mga pictures na nakaframe at nakasabit sa wall ng kwarto namin, lahat ng kuha niya maganda at talaga namang kaakit akit sa mata, makikita mo talaga ang pagmamahal niya sa ginagawa niya.



Maya maya lang narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto namin, sumandal ako sa headboard ng kama namin, nakatingin siya sa akin at napansin kong gulo gulo yung buhok niya.


Umupo siya sa paanan ng kama at narinig ko ang sunod sunod na paghinga niya ng malalim.



"Kei..." Basta tinawag niya ako sa pangalan ko alam kong seryoso ang pag uusapan naming dalawa, tinitigan ko lang ang likod niya.


"Ayokong umalis...mas importante kayo sa akin ng kambal kesa sa project sa New York." Mariin na sabi niya.


"Pangarap mo yun Kyle..." Bulong ko.



"Pero pangarap ko din na makita at marinig yung unang iyak nung kambal. Kei naman intindihin mo naman ako." Nanginginig ang boses niya pagsasalita.


"Pero yung sa New York! Hindi ba mas nauna mo naman naging pangarap yon? Hindi pa kami dumadating ng kambal sa buhay mo pero yon! Matagal mo ng hinihintay yon." Pinunasan ko yung luha na tumulo sa pisngi ko, oo naiintindihan ko naman siya, naiintindihan ko na lahat ng first sa kambal namin gusto niyang marinig at makita.


Hindi siya nagsalita. Matagal din naghari ang katahimikan sa kwarto namin.


"Kapag ba umalis ako may babalikan pa ako?" Biglang tanong niya.


"Kyle naman...kasal na tayo... Tiwala nga di ba??" Humihikbing bulong ko.


"Mawawalan ako ng oras sayo kapag nagpunta ako ng New York, hindi tayo masyadong makakapag usap..."


"Kakayanin ko Kyle..."


"Baby hindi ko kaya...langya kasi." Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya mula sa likod niya, kinuha niya ang kamay ko at pinagsalubong niya iyon gamit ang kamay niya.


"Bakit gusto mong tanggapin ko yung project?" Bulong niya...


"Dahil ito na lang yung magagawa ko para sayo Kyle, at kapag natupad mo na yung matagal mo ng pinapangarap magiging masaya ako." Bulong ko sakanya, mas lalong humigpit ang kapit niya sa kamay ko at naramdaman kong may tumulong parang tubig sa kamay ko, umiiyak siya...



"Magiging masaya ka?" Tanong niya, medyo garalgal na ang boses niya.


"Oo Kyle..."


Huminga siya ng malalim...


"Alright...kung saan ka magiging masaya baby... Gagawin ko para sayo." Bulong niya.


Humarap siya sa akin... Pinunasan ng thumb niya yung luha sa pisngi ko.


"Sumama ka na lang kaya sa akin?" Suhestiyon niya.

Akin Ka [Published under Sizzle/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon