Chapter 4: New School

432K 15.4K 3.2K
                                    

“Yung baon mo andyan na?” tanong ni mama sa ‘kin. Kasalukuyan ko nang iniimpake ang mga gamit ko.

“Opo,” tipid kong sagot.

Who would expect na isa palang boarding school yun? And students there are not allowed to get out unless permitted by the school head. Crazy right?

“Mga damit mo? Uniforms, school supplies, medicine—”

“Mom, I’m fine okay?” Pagputol ko sa mga sinasabi niya. Praning masyado eh.

Narinig kong suminghot si mama kaya napatigil ako sa pag-aayos, “I’ll be fine ma. Don't cry.” pag-alo ko kay mama. My mom is very emotional pagdating sa ganitong bagay. Bakit kasi biglaan naman ang paglipat ko?

“N-ngayon ka lang kasi mawawalay sa ‘min ng papa mo ng matagal. Hindi na kita mababantayan ng mabuti.” Muling iyak ni mama.

Parang ako tuloy maiiyak rin. I may be emotionless sometimes pero sensitive ako pagdating sa pamilya ko. They mean everything to me.

“Eh b-bakit niyo pa kasi ako ililipat? Ayan tuloy umiiyak kayo.” My voice broke dahil sa pagpigil kong umiyak.

“Kailangan anak. For your protection at sa ika-bubuti mo.” Niyakap ko nalang si mama at sabay na kaming bumaba. Naghihintay na doon si papa na mukhang umabsent pa sa kanyang trabaho dahil dito.

“Everything’s ready?” tanong niya sa ‘min.

“Yes hon,” sagot ni mama.

“Teka, bakit suot mo pa ‘yang disguise mo anak? You don't need to wear it there,” sabi ni papa.

“I need to wear it, Pa to keep people away from me. Para hindi ko sila masaktan.” Tumungo ako. Naalala ko na naman ang dahilan kung bakit nawala ang nag-iisang bestfriend ko. It's because of this power. A very dangerous power na hindi ko ma-kontrol.

“No need na, baby. Myrrh Academy is a special school. Iba ito sa lahat ng paaralan na nakikita mo. You’ll be safe there. At tsaka yung uniform mo hindi oversized bahala ka.” Natatawang sabi ni papa.

“Kahit na, pa. Ititigil ko rin naman ito eh. Pag may napatunayan na ako.”

“Okay if that's what you want.” Sina papa at tita ang maghahatid sa ‘kin. Hindi na raw sasama si mama dahil iiyak na naman daw siya.

“Be safe there okay? Wag mong kalimutang kumain ng tatlong beses sa isang araw.” Muling bilin sa ‘kin ni mama. Nakaupo na ako sa backseat ng kotse namin habang si papa naman ang mag d-drive at si auntie naman ang katabi niya.

“Oo ma alam ko na ‘yan.” Ang kulit naman ni mama eh.

“At nga pala nakalimutan kong sabihin, make some friends there Shea.”

Nagpaalam na kami sa isa't-isa at umalis na kami nina papa at auntie. I glanced at my mother once again at kita kong pinahid niya ang mga luha sa kanyang pisngi. She's crying again.
Hindi naman dapat ako malulungkot kasi wala rin naman akong maiiwan doon except kay mama. Wala rin naman akong kaibigan. Oo nga pala, that guy. Si Drew na unang itinuring akong kaibigan kahit ganito ako. Siguro magtataka iyon kung bakit wala na ako.

“Alysia matulog ka nalang muna mahaba-haba pa ang byahe natin.” Sabi ni auntie mula sa harapan.

Bakit ba gusto niya akong tawagin sa second name ko? Naglagay nalang ako ng earphones at natulog na. Mukhang mahaba-haba pa nga ito.
   
  

--
   
   

Nagising ako at kinusot ang mata ko. We're still moving? Gaano ba kalayo ang school na yun?

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon