CHAPTER 158

2.8M 69.4K 96.8K
                                    

DEIB'S POV a

Gulat na napatayo si Taguro nang makita ako'ng nasa likuran nila.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko'ng ipakita sa kaniya ang inis ko.

Tch! Kahit kailan.. tsk tsk tsk!

"N-Nakabalik ka na pala.." mahina'ng sabi pa ni Taguro at hindi ko naman inalis ang tingin ko sa kaniya. "N-Nag-uusap lang kami---"

"Narinig ko.." pigil ko sa sinasabi niya at saka ako inis na tumingin kay Randall na nakalingon pa rin sakin.

Tinignan ko siya ng deretso at bahagya'ng natawa naman siya at saka tuluya'ng iniharap sa'kin ang wheelchair na siya'ng kinauupuan niya.

"Hangga'ng ngayon ba naman ay nagseselos ka pa rin sa'kin?" natatawa'ng tanong pa ni Randall at hindi naman ako sumagot, nanatili lang ako'ng nakatingin sa kaniya. "Okay, I'm sorry.. pero totoo 'yung sinabi ko, gusto ko'ng ipangalan kay Maxpein ang baby---"

"Tumigil ka na.." pormal na pigil ko sa kaniya.

"Deib, h-hindi mo kailanga'ng magselos.. magkaka-baby na kami ng Ate mo.." kunwari'ng natatawa'ng dagdag niya at kunwari ri'ng nakitawa pa ako sa kaniya.

"Kung ganon rin lang kadali'ng pigilan ang pagseselos.. hindi ko na hahayaa'ng magmukha'ng tanga pa 'ko ng ganito sa harap niyo.." bigla'ng pormal na tugon ko at saka nilingon si Taguro na bakas ang pag-aalala sa mukha.

Binigyan ko lang siya ng blangko'ng tingin at saka ko sila tinalikuran.

Mabigat ang loob na naglakad ako papalayo sa kanila.

"D-Deib.." dinig ko'ng tawag sakin ni Taguro. Ramdam ko ang pagsunod niya dahil sa ingay ng bakal na 'yon na siya'ng pinagsasabitan ng dextrose niya, munit hindi ko na siya nilingon at nagtuloy na lang ako. "D-Deib.." pigil niya sa'kin na nagmadaling magpauna.

Tinignan ko lang siya ng deretso sa mga mata at ramdam ko ang pagkablangko ng mukha ko.

Hindi ako nagsalita at bumuntong-hininga lang ako.

"I-I'm sorry.." mahina'ng usal niya at humawak sa braso ko. "H-Hindi ko naman alam na sasabihin niya 'yon e.."

"Ayos lang.." sagot ko at saka binigyan siya ng pilit na ngiti.

"D-Deib.."

"Okay lang.." mas malawak na pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya at saka ko hinawakan ang bakal na 'yon na hila hila niya. "Ako na ang magdadala nito, ihahatid na kita sa kwarto mo.." sabi ko pa at saka bahagya'ng hinila 'to at nagsimula'ng maglakad ulit.

"H-Hindi ka okay e.."

Huminto ako sa paglalakad pero hindi ako tumingin sa kaniya. Itinuon ko ang paningin ko sa dulo'ng 'yon ng hallway na kinatatayuan ko.

"S-Sorry na.." dagdag niya pa at saka ko lang siya tinignan.

"Bakit ka magsosorry?" seryoso'ng tanong ko at napaisip naman siya. Kaya muli'ng iniiwas ko na lang ang paningin ko sa kaniya. "Magpahinga ka na lang.."

"Hindi ako magpapahinga hangga't hindi ka okay.."

"Okay lang ako---"

"Hinde.." pigil niya sakin at bumuntong-hininga na lang ako.

Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko pero pinipigilan ko.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon