CHAPTER 159

3.2M 76.5K 128K
                                    

MAX'S POV

Mahihiga na sana ako ng ayos nung bigla'ng bumukas ang pinto kaya naman agad ako'ng nilingon 'yun.

SI HEURT.

Nas'an na ba si Sensui!? Tss.

Nakangiti'ng lumapit sa'kin si Heurt kaya naman umayos ulit ako sa pagkakaupo ko sa kama.

"Magpapahinga ka na ba?" malumanay pa'ng tanong niya na umalalay pa sa'kin para tulungan ako'ng mahiga.

"Hindi ho.." tipid na sagot ko.

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

Bakit ba paulit-ulit sila ng tanong? Tss! Hangga't nandito ako---hindi ako okay, malamang! Tsk!

Bumuntong-hininga pa muna ako bago muli'ng nagsalita.

"M-Medyo ayos na ho."

"Wala ng masakit sa'yo?"

"Wala na naman ho.."

"Mabuti naman kung ganon.." nakangiti pa'ng sabi niya at saka naglabas ng prutas. "Binilhan kita ng prutas.." sabi niya pa at animo'ng excited na inilabas 'yon isa-isa.

Isa'ng tumpok ng ubas.

Dalawa'ng mansanas.

Dalawa'ng dalandan.

Tatlo'ng saging.

"P-Pagpasensyahan mo na muna't i-ito lang kasi ang nakayanan ko.." bakas ang hiya'ng dagdag niya pa.

"Sana hindi ka na nag-abala, dinalan rin kasi ako ni Deib ng mga 'to." sabi ko pa na ipinakita ang mga prutas ko at natigilan naman siya at napapahiya'ng tumingin sa'kin.

"G-Ganon ba? H-Hindi bale, maigi na 'yong marami ka'ng prutas. Makakatulong ang mga 'yan sa paggaling ng mga sugat mo."

"Mmm, salamat." tipid na sagot ako at nakayuko'ng isinalansan niya naman ang mga prutas sa side table ko at nanatili naman ako'ng nakatingin sa mukha niya. "Kumusta ang pamilya mo?" malumanay na tanong ako at gulat naman siya'ng tumingin ng deretso sa mukha ko.

Hindi agad siya nakasagot at kita'ng kita ko pa ang paglunok niya.

Bahagya pa siya'ng napailing at saka tuluya'ng itinabi ang mga prutas at deretso'ng tumingin sa'kin.

"Si K-Kev ay h-hindi ko pa masiyado'ng nakakausap ng maayos. H-Hindi pa namin napag-uusapan ng maayos ang tungkol sa nangyari dahil h-hindi pa ako handa'ng tanggapin ang lahat ng ginawa niya---"

"Bakit naman hindi?" mabilis na tanong ko na ikinabigla niya pa.

"K-Kasi ay.. hindi ko pa lubos maisip kung p-paano'ng nagawa niya ang mga bagay na 'yon---"

"Wala siya'ng ginawa sa'kin." mabilis ko na namang pigil sa kaniya at napatitig siya sa mukha ko't hindi nakapagsalita. "Maski isa'ng malakas na hampas ay wala siya'ng ginawa sa'kin." nakangisi'ng dagdag ko at napalunok na naman siya. "Kung meron man siya'ng masama'ng ginawa, 'yun ay ang pag-isipan ako'ng gawan ng hindi tama.."

Iiling-iling siya'ng napayuko at malalim na napabuntong-hininga.

Nanatili naman ako'ng nakatingin sa kaniya.

"H-Hindi kasi 'yon ang Kev na nakilala ko.. Hindi 'yon ang Kev na bagaman hindi nagmula sa sinapupunan ko ay binantayan ko at pinalaki ko.. H-Hindi niya ugali'ng mag-isip ng masama sa kapwa at mas lalo'ng hindi niya ugali'ng sumali sa grupo ng mga maloloko.." malumanay at may lungkot sa mga mata'ng paliwanag niya.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon