Chapter 8

212K 4.7K 184
                                    


HABANG abala si Red sa pagluluto ng adobo ay tahimik naman na nakamasid si Rostov sa dalaga. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa kitchen counter sa may tabi ni Red. Pinagmamasdan ang bawat kilos ng dalaga. Pupunta sila sa resort para mag-outing kasama ang boung tao sa mansiyon. Nauna na sila DoÔa Conching sa resort. May pagkain naman doon kung tutuusin pero nag-request si Rostov ng adobong manok na luto ni Red.

Sumandok si Red ng sauce ng adobo gamit ang kutsarita at iniumang kay Rostov. Agad naman na tinikman iyon ng binata.

"Hmm.. 'sarap.."

"Talaga? Baka naman binubola mo lang ako," nakangiti niyang wika. Umalis mula sa pagkakasandal si Rostov at niyakap siya mula sa kanyang likuran.

"Tingin mo binubola kita?"

"Hindi ba?" tanong niya subalit nakangiti.

Pinihit siya ni Rostov paharap. Ipinulupot nito ang mga braso sa katawan niya at siya naman ay ipinulupot din ang mga braso sa leeg nito habang hawak pa rin ang kutsarita. Rostov raised one hand, brushing the stray strand of soft hair away from her cheek..

"Napakusuwerte ko kasi asawa ko ang isang katulad mo."

Tumawa siya. "Hindi tayo totoong mag-asawa." Itinirik nito ang mata na kunwa'y nag-isip.

"Kung totohanin na lang kaya natin." Natilihan siya sa sinabi ni Rostov. Napabuntong-hininga siya saka kumawala mula sa pagkakahawak nito.

"Sige na, d'on ka na muna, ilalagay ko na lang 'to sa container tapos susunod na tayo sa resort," he dismissed him.

Pinatay niya ang kalan at sinimulang ilagay sa dish container ang nilutong adobo. Nang umalis si Rostov ay nahinto siya sa ginagawa at nilingon ang lalaki. Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga at napailing. Hindi niya alam kung ano ba ang tamang reaksiyon at ano ang dapat niyang maramdaman sa sinabi ng binata. Tingin niya'y naninigurado talaga ito na kung sakaling magkabukuhan ay kasal na sila. Handa talaga itong magpatali sa isang relasyon na hindi nito gusto masigurado lang na makukuha ang mana. Desperate move!

DALA-DALA ni Rostov ang tupper ware na pinaglagyan ng adobo. Magkasamang nagtungo si Red at Rostov sa resort. Abala ang lahat. May mahabang mesa at nakalatag doon ang sari-saring pagkain. Si Dara ay nag-iihaw. Si Nana Julieta ay inaayos ang pagkain sa mesa. Si DoÔa Conching ay nagmamando sa iba pang kawaksi kung ano pa ang dapat gawin. Naroroon din si Rica. Pulang two piece ang suot nito at panay ang pagpapa-cute kay Ezra.

"Hi, everyone!" Masiglang bati ni Rostov. Inilapag ang tupper ware sa mesa.

"Hi, ex!" maharot na bati ni Rica at agad na nangunyapit sa braso ni Rostov. Napangiti na lang si Red. Kung hindi pa niya alam na isa itong transgender malamang ay kanina pa na naman umuusok ang bunbunan niya. Binalingan siya ni Rica.

"Hi, Red," bati nito.

"Hi, Rica," ganting bati niya at sa pagkakataon na ito ay walang ka-bitter-an ang bati niya rito.

"Galit ka pa ba sa 'kin dahil sa paglalandi ko sa asawa mo?"

"Naku hindi. Sinabi na sa 'kin ni Rostov na kaibigan ka lang niya. Pero siguro kung hindi ko pa alam ang totoong pagkatao mo ay baka nakalbo na talaga kita." Nagtawanan ang lahat. Napahaplos naman si Rica sa magandang buhok nito. She was wearing her hair curly in light ash blonde.

Dealing with My Ex's Twin (Published under RedRoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon