Chapter 7 -- Hardest Goodbye

29 0 0
                                    


"Mamayang pagka tapos ng klase kukunin ko na ang mga gamit ko sa inyo. Mag s-stay na lang muna siguro ako sa hotel." Panimula ni GK nang sabay silang pumasok ng School ni Jared.


"Narinig mo naman siguro ang sinabi ni Nanay, ituring mo ng bahay ang bahay namin, tutal hindi kana rin naman iba sa'min. Kaya pwede kang manatili sa'min kahit kailan mo gusto."


"I really do appreciate it a lot, pero nakakahiya pa rin kahit na sinabi niya 'yon. One night is enough. Alam ko hindi sapat ang pasasalamat sa mga naitulong mo sa'kin, huwag kang mag alala makaka bawi din ako sa'yo." She smiles.


Umiiling si Jared sabay sabing, "Hindi ako humihingi ng anumang kapalit. Ginawa ko ang lahat ng 'yon dahil ayokong nakikita kang nasasaktan at nahihirapan." Bigla siyang inakbayan ni Gk.


"Ang bait talaga ng new found bestfriend ko." Sabay kurot sa pisngi ni Jared.


Nung isang araw friend, tapos ngayon bestfriend? Hay... Bigla na lang niyang binuhat si GK na para bang bago pa lang silang kasal. Nabigla tuloy itong si Gk. "Dahil mabait ako, hindi ko hahayaang mapagod sa paglalakad ang mala prinsesa kong bestfriend."


"Nakakahiya. Ibaba mo nga ako. Tinitignan na nila tayong lahat o."


Tinignan naman ni Jared ang mga estudyanteng nakatingin sa kanila parang nag mamayabang pa siya sa ginawa niya. "Hayaan mo silang maiinggit."


"Jared, put me down. Baka mahulog ako."


"Ayos lang yon."


Ano daw? Gusto talaga akong mahulog ng lalakeng 'to? Akala ko ba yaw niya 'kong masaktan, tapos ngayon gusto niya'kong mahulog. "Sira kaba? Gusto mo talaga akong mahulog?"


Huminto sa paglalakad si Jared at tinignan si GK sa mga mata nito sabay sabing, "Basta ba sa'kin ka lang mahuhulog."


Naiilang na tuloy si Gk kaya nagpumilit siyang bumaba and so she did. Ayaw niya ng ganitong eksena kaya nagpa tuloy siya sa paglalakad.


"Tumingin ka naman sa'kin o." Anang Jared.


"Bakit naman ako titingin sa'yo?" Hindi niya pa rin tinitignan si Jared at patuloy pa rin siya sa paglalakad.


"Para may pagtingin na tayo sa isa't isa."



Napahinto tuloy sa paglalakad si Gk nang marinig ang mga sinabi ni Jared. Hindi niya alam kung maniniawala ba siya dito o ano. "At kailan kapa nahilig bumanat ng mga ganyan?" Birong tanong na lang niya tsaka siya humarap dito. Linapitan naman siya ni Jared.


"Pangit ba?" GK didn't answered. Bigla naman ngumiti itong si Jared. " Hindi bale, maganda ka naman."


"Tigilan mo nga ako." Nagpatuloy na si Gk sa paglalakad. Oh my God! Bakit ba siya gano-n ngayon? Napapa tameme tuloy ako. Jared, huwag mo'kong lituhin sa nararamdaman ko, pwede ba? Binilisan niya ang paglalakad para hindi siya mahabol nitong si Jared nang nakasalubong niya si Miggy. "Miggy."


"Hey, GK. Tumatawag ka pala sa'kin kagabi. Pasensya na hind ko nasagot, nag re-rehearse kasi kami nun. Nag re-return call naman ako out of reached na ang cell phone mo."


"Nasira kasi ang cell phone ko eh."


"Nalaman ko ang nangyari, sinabi sa'kin ni Carlisle nung pumunta ako sa bahay niyo, nag alala kasi ako sa'yo."


Napayuko si Gk dahil alam niyang nakakahiya yung naging away nila ng kanyang Mom.


"If you want, you can stay at my place. You can stay anytime you want."


Suicide LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon