Chapter 43: Jealous

234K 7.3K 1.9K
                                    


Tamara's Point of View

"It's okay. He'll give in sooner or later."

Tumingala ako para tingnan si Piper na kakabalik lang mula sa pagkakaorder at bumalik sa pagsubsob ng mukha ko sa lamesa. Narining ko naman ang pagbungisngis ni Hailey dahil sa ginawa ko.

"Hindi pa rin talaga ako sanay na ikaw ang nagpapakita ng motibo sa inyong dalawa ni Nate. Sanay akong si Nate ang naghahabol sa 'yo. Hindi ikaw ang humahabol sa kaniya."

"Ssh, Hails," suway sa kaniya ni Piper.

Mula sa pagdudukdok ng mukha ko sa lamesa ay nagpangalumbaba naman ako at tinakpan ang mukha ko. "Huwag niyo ng ipaalala, please. Sobrang nilalakasan ko na nga lang ang loob ko sa tuwing pinupuri ko siya o pinapalakas ko ang loob niya. Deep inside, nagwawala ang puso ko. Maski ako hindi sanay sa mga ginagawa ko."

"Tiis tiis pa," tapik sa akin ni Hailey. "Personally, gusto kong magkaayos ulit kayo ni Nate. Para naman may isang couple man lang sa barkada natin ang magtuloy ng mga sinimulan nating love story."

Nasamid si Piper sa narinig kay Hailey at napakunot naman ang noo ko. Isang couple man lang sa barkada? Sa pagkakatanda ko nag cool-off lang sila ni Warren. Hindi naghiwalay. Bakit kung magsalita siya parang wala na sila?

Nagkatinginan kami ni Piper at nagsenyasan na tanungin si Hailey kung ano ang nangyari. Nagtuturuan pa kaming dalawa gamit ang mga mata namin nang matawa si Hailey.

"Hindi na kami. Nag-break na kami. Hindi cool off. Break."

Napanganga ako sa sinabi niya. Bakit break kung pwede naman ang cool-off?

"Pero bakit? Sayang naman ang relationship niyo."

"There's still a chance na magkaayos kayo. Why did you let go?"

Nagkibit balikat si Hailey at sumandal, "May mga bagay na hindi na dapat pinipilit. Minsan talaga tama ang sumuko na lang lalo na at alam mong ginawa niyo naman ang lahat."

Natawa ako at umiling, "Nakakaloko. Mahal niyo ang isa't isa pero pinili niyong maghiwalay. Samantalang may mga taong mahal ang isa't isa pero hindi pwedeng maging sila. Hay. Ang gulo nga naman ng love."

Nasamid na naman si Piper pero umayos din agad at ngumiti. "I guess people who are in love tend to be complicated. Because love itself is complicated."

Love is complicated.

Okay...

"Pero nagkasundo naman kami na kapag parehas na kaming maayos at mahal pa namin ang isa't isa at libre pa kaming dalawa, magsisimula ulit kami."

"Will you hold on to it?" tanong ni Piper. "Will you hold on to the idea that maybe, both of you will have their second a chance? Paano kapag bumalik ka at may iba na siya? Paano kung mahal mo pa siya?"

"Maghihintay ako."

"Maghintay saan?" Naguguluhan kong tanong.

Ngumiti siya at sumandal ulit, "Maghintay na maghiwalay sila ng bago niya. O maghintay na mawala ang nararamdaman ko sa kaniya. O maghintay ng tamang tao na nakalaan talaga para sa akin. Maghihintay ako. Kung ano ang hihintayin ko, malalaman ko na lang kapag dumating na ang araw na 'yon."

Kapag tinitingnan ko si Hailey ngayon, parang iba na siya. Parang mas mature na siya, mas kumportable, mas panatag. Posible pala talaga na magbago ang isang tao dahil lang sa isang pag-uusap niyo ng taong mahal mo.

"Okay, tama na sa akin. Balik kay Tamara... ano ng plano mo para mapasagot si Nate?" biro ni Hailey kaya bumalik ako sa pagkakasubsob sa lamesa.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon