Chapter 45: Love letter

232K 8.1K 4.2K
                                    


Tamara's Point of View

Totoo pala 'yung kasabihan. Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay kapag nawala na 'yon sa 'yo. Kapag nandyan, hindi mo pinapansin. Kung kailan wala na, saka mo hahanapin. Kapag lumayo na, saka mo hahabulin.

Sana hindi ko na hinayaang umabot dito. Gusto ko naman siya kahit noon pa. Sana hindi ko na lang binawi noong sinagot ko siya. Sana hindi ko na lang sinabi na kalimutan niya 'yon. Kaya lang hindi ko naman na kayang mabago ang nangyari na.

"Ate, umayos ka nga," tulak sa akin ni Tracy.

Nakahiga ako sa kama naming dalawa at nakataas pa ang paa ko sa pader. Ibinaba ko naman 'yon at umayos ng higa para makahiga na rin siya. Ilang sandali lang ay dumapa ako at ipinatong ang baba ko sa kamay ko.

"Trace, matutulog ka na ba?"

"Hmm?" Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang reaksyon niya.

"May itatanong ako sa 'yo. Kunyari inalok ka ng kaibigan mo ng bag. Binebenta niya sa 'yo. Gusto mo 'yung bag kaya lang kulang ang pera mo. Sinabi mo sa kaibigan mo na maghintay muna para makaipon ka at pumayag naman siya. Hanggang sa nakaipon ka na. Sakto na ang pera mo. Binili mo na sa kaibigan mo 'yung bag kaya lang narealize mo na wala ka ng pera kahit kaunting barya. Kaya nakiusap ka ulit sa kaibigan mo. Binalik mo ang bag at kinuha ulit ang pera. Nainis ang kaibigan mo kaya lang dahil mabait siya, pinagbigyan ka niya. Nag-ipon ka pa. At nang may sumobra na sa naipon mo, binalikan mo na ang bag na gusto mo kaya lang nang bibilihin mo na 'yon, may iba ng nauna sa 'yo. Hawak na niya ang bag. Kapag ganoon ang nangyari, anong gagawin mo?"

Hinintay kong sumagot ang kapatid ko kaya lang ang tagal na hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatulog na yata. Sumibi ako at isinubsob na lang ang mukha ko sa braso ko.

Pumikit ako pero agad din dumilat nang maramdaman ko ang paggalaw ng kapatid ko. Umupo na siya at tiningnan ako ng masama na para bang inistorbo ko ang tulog niya.

"Hahayaan ko na sa kaniya ang bag," sagot niya at inirapan ako. "Ang kapal naman ng mukha ko kung aagawin ko sa kaniya 'yon. Nakuha ko na dati tapos binalik ko pa. Kasalanan ko na 'yon. Wala ng ibang dapat sisihin kung hindi ako lang. Ang gagawin ko, aalis ako at maghahanap ng bagong bag."

Kumunot ang noo ko sa naging sagot niya. May punto naman siya. Kasalanan ko naman kasi talaga. Oo nga ang kapal ng mukha ko at hinabol ko pa siya. Nakiusap pa ako kay Tanya na layuan siya. Ako itong bumitaw sa kaniya tapos biglang babalikan ko siya kung kailan ko gusto. Oo nga. Ang kapal ng mukha ko.

Kaya lang si Nate 'to eh. Si Nate ang pinag-uusapan dito.

"Kaya lang, ate, hindi naman bag si Kuya Nate." Nanlaki ang mata ko nang banggitin niya ang pangalan ni Nate at bigla akong napaupo. Umirap na naman siya na parang nagsasabing sobrang ovious ko. "Ang bag, madali 'yang bitawan. Madali 'yang iwanan. Madaling palitan. Si Kuya Nate, nag-iisa lang 'yan. Kung kaya mong makita ang sarili mo na hindi siya kasama, kung kaya mo na mapunta siya sa iba, sige, bitiwan mo na." 

Nasa early teenage year pa lang siya pero parang mas marami pa siyang alam kaysa sa akin.

Pero napaisip ako sa sinabi niya. Sa tuwing nakikita ko silang dalawa ni Tanya, nasasaktan ako. Nagseselos ako. Gusto ko nasa akin lang ang atensyon at hindi sa ibang babae. Gusto ko ako lang. Gusto ko akin lang. Gusto ko kasi siya. Gusto ko lang ba talaga siya?

"Ang tanong, ate..." Tiningnan ko siya at kumunot ang noo ko. "Kaya mo ba?"

Sigurado na ako. Siguradong sigurado na. Mahal ko na. Mahal ko na pala.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon