“Meeting people isn’t by accident. They’re meant to cross paths for a reason.”
Dedicated toMarnelyJulisse_03
--
/DASURI/“Pano Dasuri, mauna na kami sa’yo. May klase pa kasi kami ngayong araw. Bakit kasi sa ibang eskwelahan mo pa napiling magenrol?” kunot-noong tanong sa’kin ni Amber habang nasa tapat kami ng isang taxi.
“Oo nga, hindi pa naman pare-pareho ang schedule ng klase natin.” Saad pa ni Yoonsoo. Silang apat kasi ay sa iisang school lang pumapasok. Maski si Bambam, ako nga lang ‘yung nahiwalay.
“Wala na kong magagawa ‘ron. Yon lang kasi ‘yung school na malapit sa building ng SME.” Pagtatapat ko naman sa kanila.
“Ashush. Nasa college na tayo hindi ka parin nagbabago. Lagi paring nakadepende kay Kai ‘yung desisyon mo. Kailan kaba mauuntog kang babae ka ha?” tinapik pa ni Soyeon ‘yung balikat ko. Tinawanan ko lang sila.
“Saan kana pala ngayon Girl? Uuwi kna?” tanong ni Krystal. Hinarap ko naman sya’t sinagot.
“Maglalakad-lakad muna ko siguro dito. Mamayang gabi pa kasi uuwi si Kai sa bahay. Ayoko namang maburo mag-isa sa bahay.”
“Oh sya. Sige na, mauna na kami. Male-late na kami sa klase eh. Mag-iingat ka ha? Tawagan mo na lang kami pag naligaw ka.” Biro pa ni Soyeon. Hinampas ko nga sya sa balikat. Anong akala nya sa’kin aanga-anga? Ilang taon lang naman akong nawala rito. Mas matagal parin ‘yung paninirahan ko dito. Psh.
“Bye Dasu.”
“Bye Dasuri. Ingat.”
“Bye.” Kumaway pa ko sa kanila. Hinintay ko ring makaalis muna sa harap ko ‘yung sinasakyan nila bago magsimulang maglakad.
“Hmmm. Saan kaya pwedeng pumunta? Hindi naman pwedeng sa Practice room o dorm ng Exo. Hindi na ko P.A nila para gawin ‘yon.” Nilibot ko ang paligid gamit ang mga mata ko. Nakakamiss rin palang maglakad dito sa Gangnam District. I can’t help but to laugh kapag naaalala ko ‘yung mga alaala ko rito.
‘Yung kalsada kasing nilalakaran ko ngayon ay ‘yung mismong kalsada kung saan ‘una kong nakita si Kris.
“Salamat miss.. anong pangalan mo? ANG KAPAL! NAKAKAINIS KA KAI. SOBRAAAA!! ARRGH!” kainis yun. Kung makaacting kala mo. Ayst. Dapat gumawa na sya nang drama sigurado patok yun. arghh! Sa sobrang inis ko, pati sarili ko kinakausap ko na. Sakto namang may nakita kong lata sa daan.
“Akala mo ha. Eto dapat sayo.. yaaaah!” sabay sipa ko dun sa lata. Lumipad naman yun sa malayo. Pero ang ikinagulat ko ay nang may umaray. Kinabahan ako bigla. Mukhang may natamaan ako. Lagot.
“Ark. Sht!” tinignan ko yung nagsalita. HALA KA.. Isang malaking mama. Tinignan nya ko nang masama. OMO!
“Hey! What’s your problem?” sabi nito nang makaharap na sya sakin. Ano kaya yung sinabi nya? hindi ko sya maintindihan. Pinagmasdan ko na lang kung ano ba yung gagawin nya.
“Pfft. Nakakatawa talaga ‘yung itsura ni Kris nung araw na ‘yon. Haha.” hindi ko napigilan ‘yung tawa ko nang bumalik ‘yon sa alaala ko. Huminto lang ako nang mapansin ko ang pagtitig sa’kin ng mga tao sa paligid. Nakakahiya naman. Akalain nila isa kong baliw na nagagagala sa daan. Inayos ko ang sarili ko at nagmadali sa paglalakad.
--
/SOMEONE/“Here’s your coffee Americano order Sir, Thank you and please come again.” Nakangiting inabot sa’kin ng babae sa counter ang inorder kong kape. Hindi na ko nagabalang tumugon pa. Kinuha ko ‘yon at lumabas ng shop.
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias