Chapter 1 Unfounded Dream

12.8K 181 4
                                    

May dalawang bata na masayang naglalaro at naghahabulan sa may dalampasigan,habang silay nagpapalipad ng kanilang saranggola.Hanggang sa may isang batang lalaki ang lumapit sa kanila at pilit na inaagaw ang kanilang laruan,nang maagaw nya ito ay bigla syang tumakbo ngunit hinabol sya ng isang bata hinila into ang kanyang damit,dahilan upang siya ay matumba at mabitawan and saranggola ..
"mang aagaw ka,ibalik moyan at walang ibang pwedeng magpaiyak sa prinsesa KO kundi papaduguin koyang ilong mo"sabi ng isang bata.

"paano mo naman magagawa yon eh babae ka at hindi moko kaya"sabi naman ng batang lalaki saka siya tumawa ng malakas.

Hanggang sa may dumating na isa pang lalaki na nasa trese anyos any edad kaya naman lumayo na ang batang lalaki at kumaripas ng takbo.

"salamat kuya buti dumating ka,kung hindi baka lalo pa nun pinaiyak ang prinsesa ko,wika ng isang bata.

"hay nako ikaw talaga,oh tara na at tinatawag na kayo ni mama,kakain na tayo.."

Yan ang palaging laman ng panaginip ko,hindi ko alam kung bakit pero parang may kinalaman yan sa tunay kong pagkatao.
Oo tama kayo ,nawalan ako ng alaala natagpuan daw nila ako sa tabing dagat tatlong linggo na ang nakakalipas.Wala akong maalala kung sino at kung saan ako nanggaling .Basta ang alam kolang andito ako ngayon sa Batanes lugar na alam kong malayo sa kabihasnan.At yung napanaginipan ko,hindi ko alam ang ibig sabihin nun kasi malabo naman ang itsura ng mga tao duon pero malakas talaga ang kutob ko na may kinalaman sila sa buhay ko.

Ako nga pala si Mayo,yan ang ipinangalan nila sa akin dahil buwan daw ng mayo ng mapulot nila ako at Flores de mayo sa kanilang baranggay.Kung ilang taon na ako ay hindi korin alam.Pero sa tingin ko ay kaedad kolang si Ernes ang anak nila Mang Pilo at Aling Carmen sila yung nakapulot sakin .Ang hanapbuhay nila ay pangingisda at pagtitinda sa palengke .

"Mayo,tara na mag almusal na tayo at ng masamahan natin si nanay sa palengke,wika ni Ernes.

"sige pababa nako,sabi ko naman.

"oo nga pala,narinig kita sumisigaw ka,napanaginipan moba ulet yung dalawang bata? biglang tanong nya.

"oo nga eh,hanggang ngayon malabo parin ung mukha nila,sino kaya talaga sila sa buhay ko? sabi ko nalang habang nahawak sa aking sentido.

"ohh bakit?sumasakit nanaman ba ulo mo?mukang napapadalas nayan ahh..ang mabuti pa sumama ka sakin sa plaza mamaya merong sayawan duon,ikakasal kasi bukas yung anak ni mayor.siguarado ako maraming magandang dilag duon.wika ni Ernes ..

"ohh sige mabuti pa nga at ng makapaglibang naman ako kahit papaano.sagot ko.

"saka pala ipapakilala ko sayo yung nililigawan ko,may pinsan sya eh ipapakilala kudin sayo,nakita kuna yun eh maganda sya mestisa saka mukang mayaman,kung mas una kolang yun nakilala baka sya ang pinormahan ko eh,pero tingin ko tol mukang mas bagay kayo.sabay kindat ni Ernes sa akin ..

Hindi naman lingid sa kanya na tomboy ako,base narin siguro sa itsura ko ng makita nila ako.Matangkad kase ako maiksi ang buhok na medyo mistiso,saka nararamdaman kudin sa sarili ko na kakaiba ako..

Nagtungo na kami sa palengke at sinamahan si Along Carmen na magtinda ng isda,sabado kasi ngayon kaya walang pasok tuwing lunes hanggang byernes ay nagtutungo si Ernes sa paaralan,4th yr highschool na sya.Hunyo palang ngayon kaya kakasimula palang ng klase nila.Alam ko na kulang sila sa pinansyal kaya asa highschool palang sya kahit siya ay bente anyos na .


A/N; Hello po sana magustuhan nyo.umpisa palang naman ee kaya wala munang kilig moments.darating din tayo dun .hihihi

Keep supporting,godbless ..

*storm

Wherever You Are  (A Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon