Kabanata 19: Fire versus Fire

85.2K 3.4K 137
                                    

Napapadyak ako sa sahig dahil sa frustration.

"Saan kaya nagsusuot ang lalaking iyon?" tanong ko sa sarili ko.

Kanina pa akong pagala-gala sa buong Tereshle Academy at kanina ko pa hinahanap si Sean. Buwesit kasing lalaking iyon! Kung makapagkonsensya sa akin, wagas!

I get his point, okay!

Naiintindihan ko iyong part nang pag-aalala nila. Pero mukhang sumobra naman kasi ang dating nang pag-aaala nila sa akin! Isang buwan pa lang kaming magkakasama. At sa isang buwang iyon, palagi pa kaming nag-aaway at nagbabangayan. Nako! Pag makita ko talaga ang lalaking iyon! Masasapak ko siya!

Madilim na noong tumigil ako sa paghahanap kay Sean. Asar na asar na ako ngayon sa kanya. Bahala na siya! Bahala na ang konsensyang mayron ako ngayon!

Napailing na lamang ako sa sarili at napagdesisyonan nang bumalik sa dorm. Ngunit bago pa man ako makagalaw sa kinatatayuan ay napako na ako dito. Naipilig ko ang aking ulo at pinagmasdan ang paligid. Napakunot ang noo ko noong mapansin kung na saan ako ngayon.

I sighed. Not again.

Dahil sa inis sa paghahanap kay Sean ay di ko napansin na napadpad na naman ako sa lugar na ito. Iyong masukal na parte ng academy. Iyong pinakadulong bahagi ng Academy na walang ni staff ng paaralan ang napapadpad.

Napasimangot na lamang ako. I guess I need to go back now. Hindi ko gusto ang pakiramdam na mayroon ako sa lugar na ito. Mukhang nadala na ako noong may babaeng naengkwentro ako dito.

Dahan-dahan akong naglakad pabalik sa main building ng academy. Madilim na ngayon. Mukhang nagpapahinga na rin ang mga tao sa Academy. Wala na akong naririnig na ingay ngayon.

Napatigil ako.

Walang ingay? No way!

I immediately closed my eyes. There's no freaking way na wala akong naririnig na ingay ngayon! Kahit faint heartbeat or breathing man lang, malamang ay may maririnig ako!

I cursed when I didn't hear anything at all.

Ano ang nangyayari?

Nagfocus at nagconcentrate pa ako. Mayamaya pa'y may narinig ako. Pulse.

Left!

Agad akong napatingin sa gawing kaliwa ko at may nakita akong isang lalaki. Sa tansya ko ay mas matanda lang ito sa akin ng ilang taon. He's looking at me with a smirk plastered on his face. Di ko siya kilala at lalong di ko gusto ang presesyang mayroon siya!

"Sino ka?" matapang na tanong ko dito. Nakita kong mas lalong ngumisi ito dahil sa naging tanong ko.

Napakuyom ako sa mga kamao. May mali dito! My hearing senses. And this guy. May mali talaga!

"I've blocked your special ability."

Natigilan ako noong magsalita siya. He what? Blocked my special ability? My hearing senses? Damn!

Great! This man is a trouble!

I need to calm myself down now. Oo, inis ako ngayon dahil kay Sean pero kailangan kong kalimutan muna iyon ngayon para makapagfocus sa taong kaharap ko. I'll deal with Sean later.

"So, ikaw pala ang sinasabi ni Helga. Kanina pa kita hinihintay," sambit pa nito na siyang nagpataas ng isang kilay ko.

Helga? Sino naman iyon?

"What do you want?" I asked him. I remained my straight face while looking at him. Hindi ko talaga makuha kung ano ang gusto ng lalaking to. Helga? Who's that girl? Don't tell me the girl before? The one who attacked me? Siya ba?

PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon