Kabanata 20: Necklace

83.2K 3.5K 262
                                    

Halos mapamura ako sa nakikitang damages dahil sa laban ni Sean at nong lalaking nagngangalang Logan. Sunog halos lahat ng madadaanan ng apoy nilang dalawa.

Pipigilan ko na sana ang dalawang fire attributer na naglalaban ngayon dahil sa mga naririnig kong panic at mga yapak patungo sa amin nang biglang tumigil ang dalawa sa paglalaban. Sugatan na si Logan samantalang mukhang galos pa lang ang nakukuha ni Sean mula sa palitan nila ng mga malalakas na atake.

Mukhang mas mataas ang lebel ni Sean kaysa kay Logan. At noong susugod ulit si Sean kay Logan ay biglang nawala ito sa paningin namin. Damn! He's using his invisible ability again!

"Saan nagpunta iyon?" tanong ni Joseph na nasa tabi ko.

"He's gone." mahinang sagot ko dito.

Nakatingin lang ako kay Sean na ngayon ay palingon-lingon sa paligid. I bet his looking for Logan's smell.

Minutes later ay nagsidatingan na ang ilang personel at faculty members ng Academy. Maging si Sir Rocky at Ma'am Laureen ay nandito.

"Sean? What happened here?" bungad ni Sir Rocky sa amin. Nakakunot-noong tiningnan niya ang paligid. Buong akala ko ay magagalit sila sa naging resulta pero kitang-kita ko ang kalmadong aura nila.

"We've heard some explosions. What happened?" Si Ma'am Laureen naman ang nagtanong sa amin. Agad naman nagkalat sa paligid ang mga personel ng academy. They're checking the perimeters. Too late. Wala na iyong si Logan.

"Outsider," maikling sambit ni Sean. "We need to talk Principal Tyler, Sir, Miss," pahabol pa nito sa dalawa. Kita kong nagkatingan si Sir Rocky at Ma'am Laureen dahil sa tinuran ni Sean sa kanila. Mayamaya pa'y sabay na tumango ang mga ito.

Tahimik lang akong nakamasid sa kanila. Pero teka, si Principal Tyler? Anong kailangan naman ni Sean kay Principal?

Akmang magsasalita na sana ako para magtanong noong biglang bumaling sa gawi ko si Sir Rocky. Napataas ako ng kilay dito. Okay. Alam ko. He's thinking na ako na naman ang nagsimula nito. And newsflash! Ako nga ang puno't-dulo. Ang saya diba?

"Come on. Sa opisina na tayo," iyon lang ang sinabi ni Sir Rocky at nag-iwas na nang tingin sa akin. Tumalikod na ito at nagsimula nang maglakad pabalik sa main building ng academy.

"Let's go. And you, woman, please come with us," ani Sean na ikinataas din ng kilay ko sa kanya.

"Fine. I'll go with you. Nakakahiya naman sa please mo," sarkastikong sagot ko sa kanya at nauna nang maglakad sa kanila.

Ano kaya ang gagawin namin sa opisina ni Principal Tyler?

Tahimik kaming lahat habang tinatahak ang daan patungo sa opisina ng head ng paaralan. At noong marating namin ang tamang silid ay agad din naman kami pumasok roon. Pagkapasok namin sa loob ay nandoon si Principal Tyler at may isang lalaki pa doon na hindi ko kilala. Maybe one of the faculty staff here in Tereshle Academy.

"Principal Tyler, I think it's time," bungad ni Sean ngunit pinatigil siya ni Principal Tyler sa pagsasalita. He just motion him to stop then he did. Nasa gilid na bahagi ako nang opisina. Nasa kanang bahagi ko naman sila Sean at sila Sir Rocky at Ma'am Laureen.

"Miss Magnus," panimula ni Principal Tyler. Swear, nakakatakot ang awra niya. He's looking at me intently. Like he's digging into my inner soul. Ganoon siya kung makatitig sa akin.

"Is your necklace with you? The one with the blue pendant. Do you have it now?" tanong niya na siyang ikinatigil ko.

Necklace? My necklace? How the hell he knows about my necklace?

Napakunot ang noo ko dahil dito. Tumikhim muna ako bago sumagot kay Principal Tyler.

"Anong meron sa kuwintas ko?"

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong silid. Tanging hininga at heartbeats lamang namin ang naririnig ko ngayon. Ano ba kasing nangyayari? Bakit kailangang may ganito?

"Althea, kasi .. uhm.. ano," napatingin ako kay Sydney noong biglang nagsalita ito. Mukhang may nais siyang sabihin ngunit di niya masabi-sabi sa akin ngayon. Kunot-noong tiningnan ko lamang siya.

"We need your necklace to regain your memories." Lalo akong naguluhan noong marinig ko ang tinuran ni Sean. My what? Ano bang pinagsasabi ng mga ito?

Napaatras ako.

"Look people, wala akong naiintindihan sa mga nangyayari. Kung tungkol ito sa mga taong sumusugod sa akin, puwes hindi ko sila kilala. I never saw them before," napatingin ako kay Sean. "And what memories your talking about, Sean?" I asked him.

Nag-iwas ng tingin si Sean sa akin ngunit di nakaligtas sa mga mata ko ang biglang pag-iba nang ekspresyon sa mukha nito. Pain. I can see pain in his eyes!

"Where's the necklace, Althea?" napabaling ako noong magtanong muli si Principal Tyler sa akin. Sa pagkakataong ito ay napaatras na talaga ako sa kinatatayuan ko. There's no way na ibibigay ko ang kwintas ko.

'Althea apo, pakaingatan mo ang kuwintas na to. Ito ang susi, Althea. Wag na wag mong ibibigay kahit kanino ito. Wag kang magtitiwala agad-agad, apo. Lalo na kung ang kuwintas mo ang pinag-uusapan.'

Iyon yung iksaktong sinabi ni lola sa akin. I can't risk it. Isa iyon sa rason kung bakit ako nandito sa Academy. My necklace is the key. Pero hindi ko alam kung para saan.

A key? A key for what?

"I'm not giving you my necklace," matigas na wika ko dito. Kahit di ko pa alam kung para saan itong kuwintas na ito, di ko hahayaang makuha nila ito sa akin.

"Althea," sambit ni Sean.

"Stop it, Sean!" I hissed. "I'm sorry but I need to go."

Nanlaki ang mga mata ko noong hindi ko magalaw ang mga paa ko. Shit! Ano na naman to? Sheprid? Damn! Not again! Alam kong sa kanya itong kapangyarihang ito!

Halos mapamura ako noong marinig ko ang boses ni Sheprid sa likuran ko. Siya nga!

"Wag nang matigas ang ulo, Althea," wika nito at nilagpasan ako.

"Release me, Sheprid," sambit ko dito. Nakakainis talaga ang wizard na ito. I hate his body manipulation trick! Damn!

Napasinghap ako noong kusang gumalaw ang kanang kamay ko. I cursed mentally. Pilit kong pinigilan ang paggalaw nito pero sadyang malakas ang kapangyarihan ni Sheprid. He successfully achieved what they really want.

Napapikit ako noong maramdaman ko ang kuwintas na nasa leeg ko. Damn! Ano ba ang gusto nilang mangyayarei?

Unti-unting nailabas ang nakatagong kuwintas na suot ko. I give up! Di na ako nanlaban noong tinanggal ng mga kamay ko ang lock ng kuwintas ko. Shit!

"Ano bang mayroon dito?" mahinang tanong ko.   I looked at my necklace. Bata pa lang ako ay nasa akin na ito. Laging pinapaalala ni Lola sa akin na huwag kong hahayaang makuha at mahawakan ng kahit sino man ang kuwintas na ito. Damn!

"This is for your own good, Althea," rinig kong wika ni Sheprid. I closed my eyes. Di ko talaga makuha ang nais nilang iparating sa akin. For my own good? Mahina ba ako para alalahanin nilang lahat ang kaligtasan ko?

Mayamaya pa'y naramdaman kong wala na ang kapangyarihan ni Sheprid sa katawan ko! Wala sa sariling napatingin ako kila Sean. I was surprised they way they look at me right now! I even saw Sydney wipe her own tears! Oh, great! Can someone explain to me what the hell is really happening here?

Gusto ko silang tanungin nang paulit-ulit para malinawagan ako. Alam ko. Ramdam ko. May alam silang tatlo na di ko alam. Pero imbes na tanong ang gawin ko, isang salita lang ang lumabas sa bibig ko.

"Sean."

PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon