Chapter 20:

4K 118 18
                                    


***

"Argh! Ang hirap niyang intindihin!" Inis kong bulong habang binubunot isa-isa ang mga damo dito sa may gubat. Sa bungad lang pero abot pa din to ng barrier kaya ligtas ako.



Huhuhu. Kawawang mga grass.. kalbo na dahil sakin. Sorry.



Tatlong araw na ang nakakalipas pagkatapos sabihin ni Akane at Riye na nagseselos daw si Hiro. Bla bla bla. Wooo. Selos selos their face. Bakit naman yun magseselos kay Darwin?



Tatlong araw na din kaming iwasan. Buti nalang at walang cases na dumadating kaya kanya-kanya kaming buhay hehehe~



Tatlong araw na akong tahimik. Tatlong araw walang imik sa kanila. Pinapansin ko naman sila... bihira nga lang at mabibilang mo sa kamay mo. I just.. find it awkward.



At sa tatlong araw na yon, umaasa ako. Umaasang sana lapitan ako ni Hiro at makipag-ayos kasi nadadamay na ang buong Atama sa nangyari, e. Nakakatawa. Hahaha. Ang desperada ko atang tignan.


"AKEMI!!"


Nawala ako sa focus nang pagmumuni-muni nang marinig ko ang sigaw ni Ken. Approximately 400 meters away from me, tumatakbo pa siya papunta sakin kaya napatayo naman kaagad ako.



"Anong meron? Bakit, Ken? May problema ba?" Tanong ko as soon as makalapit siya sakin. Gusto kong matawa kasi lumalawit yung dila niya tas lumalaki yung butas ng ilong niya at halatang pagod na pagod siya pero di ko ginawa baka mabadtrip, ehehe~



Pero ang ipinagtataka ko, bakas sa mukha niya ang takot at kaba.




"Si.. Si Mr... President.." Bigla naman akong kinabahan.


Kay.. Papa? Anong nangyari?!


"B-Bakit?" Nagsisimula nang mabuhay ang takot sa loob looban ko.



"Sa... sa.. woooo.. ang init..." sabay paypay niya sa sarili niya.



Shemay ito. Ayaw pang deretsuhin!



"Ano? S-Saan?!" Nagpapanic na tanong ko.



"May... pamaypay... ka ba... diyan....?" Gusto ko sana siyang batukan sa tanong niya e pero wag nalang. Tinignan ko nalang siya ng matalim.




"Quadrangle---whoaaa!!" Pagkasabi niya non, kinaladkad ko kaagad siya.



Naiiyak ako. Anong nangyari kay Papa?



Pagkadating namin sa quadrangle, ang daming tao. Mukhang mga taga ibang family. Pero, ang ipinagtataka ko, simula nang mahagip ko ang atensyon nila habang papalapit kami ni Ken, nakatingin silang lahat sakin.


Hindi ko mawari kung bakit.


"Bakit nakatingin sila, Ken?" Tanong ko kay Ken na ngayon ay hingal na hingal.


"Punta ka nalang!" Saka niya ako tinulak papunta sa harap. Nailang ako sa tingin ng mga estudyante kaya binalak kong magpasama kay Ken.


"Ken----!" Tawag ko kay Ken pero paglingon ko, wala na siya. Nasaan yon?!


No choice.. I'll do it alone. After all it's Papa.


Nagtatakbo ako papunta sa gitna at nagulat ako nung nag-giveway ang mga estudyante sa akin.

"P-Papa?!"

"Akemi!" Napalingon ako sa kung saan nanggaling yung boses at nakita ko si Papa.


The Atama EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon