MPML Book 2 (49)

3.8K 86 18
                                    


 "Moooom! Wake up!"

"Umasghjkkkl"

"Ha?"

"Anoyunsgshiklf"

"HA?!"

Blurred pa yung paningin ko ng imulat ko yung mga mata ko. Naaaninag ko si Andrea kaya ngumiti naman ako, ang anak ko ang ganda ganda nagmana talaga saki---TEKA? Ba't nandito sya?!

"Mom, it's getting late wake u--" Nanlaki yung mata ko ng tuluyan ng umaliwalas yung paningin ko at si Andrea nga talaga yung nasa harap ko.

Bigla naman akong napabangon habang hinahanap sa ilalim ng sofa yung heels ko. Nasan yun, wala naman akong maalalang hinubad ko yun. Tsaka bakit ako nakahiga sa sofa?

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't suspended ka? Pag ikaw nakita ni Dean Charles dito, madadagdagan yang araw ng suspension sayo. Nakita kana ba niya? Nasan sya? Nasan sya? Ako kakausap sakan--"

"Mom, easy kalang. Gabi na and I'm sure naguwian na lahat ng deans no." Yung hinahanap kong heels kanina pa pala nya hawak at sya nadin nagsuot sa paa ko nun.

Humihikab parin ako habang nagpaprocess sa utak ko yung nangyari. Folders, cabinet, yun lang pumapasok sa utak ko. Nagaayos ako ng folders kanina, paano ako napunta sa sofa? Folders, cabinet, folders, cabinet, nabitawan ko yung mga folders tapos tinulungan ako ni Yuj---

"Grabe yung tulog mo Mommy, puyat na puyat lang? Sana hindi ka nalang pumasok para sa bahay ka nalang natulog. Grabe yung hilik mo kanina hahaha! Uy? Mom? Mom, are you okay?" Natulala ako habang nakatitig sa I.D ni Andrea.

Naalala ko na yung nangyari, minasahe ngapala ako ni Yuji tapos gustong gusto ko pa! Pinipigilan ko sya non e, pero bakit nasa sofa ako? Tanda ko inaantok ako nun, nakatulog ba ako? Pero bakit nandito ako dapat nakahilata ako sa sahig. Tapos hubad pa heels ko, tapos hindi ko narin suot yung blouse ko. Don't tell me may nangyari samin ni Yuji? Tapos sa sofa pa namin ginawa? Dito sa loob ng office? Anak ng tokwa hindi man lang kami nahiya?!

"Moooom!" Bumalik ako sa wisyo ko ng alug-alogin ako ni Andrea habang hawak nya yung dalawang balikat ko.

"I-I'm sorry, Pumpkin. Hindi na ko nahiya, anong klase akong babae? Wala akong kwentang ina! Ano nalang sasabihin ng mga kablockmates mo pag nalaman nilang may nangyari samin ni Sir. Yuji dito sa office?! This can't be happening! Ililipat kita ng school, I mean pati ako lilipat ako ng school sa ibang university na tayo papasok wag na dito masisira pamumuhay natin dito, Anak!" Ngayon ako naman ang may hawak sa magkabilang balikat nya at inaalog sya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nanlalaki naman yung mga mata ko sakanya. To think na ang gulo gulo din ng buhok ko dahil kagigising ko lang.

"Mom, tatanungin kita pero dapat magsabi kanang totoo sakin." Ito na lord, tatanungin na ko ng anak ko.

Ikakahiya na nya ko, ang landi ng nanay nya. Gagawa nalang ng kababalaghan, sa office pa!

"Are you on drugs? Because I would totally understand if you did used solvent to ease your depression."

Kung si Travis lang 'tong nasa harapan ko, katakot takot na batok na ang inabot nito sakin pero dahil babae sya at anak ko sya, pakakalmahin ko yung sarili ko.

"Hahahaha! Sorry Mom, nagbibiro lang ako. Ikaw kasi! Anong pinagsasabi mong lilipat tayo ng school? Na may nangyari sainyo ni Sir. Yuji? If ever meron nga, proud pa ko nun sainyo no. Ang adventurous ng mga magulang pag ganon, pati office hindi pinalagpas diba? Hahah---" Tinakpan ko naman agad yung bibig nya habang tumitingin tingin ako sa desk ni Yuji at sa bintana dahil baka may nakarinig sa mga sinabi nya.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon