Chapter 43

918K 19.4K 4K
                                    

Chapter 43

Ang Ex

Kinaumagahan, masaya ang gising ko. Unang nagising si Jayden. Pero hindi siya lumabas ng kwarto, hinitay niya ang pag gising ko.

"Good morning, Mrs. Corpuz." Sabay halik sa akin.

Ngumisi ako at umupo sa kama.

"Good morning." Sabi ko at kinusot ang mga mata.

Hinagip niya ang baywang ko saka binalot ako sa mainit na yakap. Wala siyang pa siyang t-shirt. Napangiti ako. Ugh! Sana nasa Cebu ulit kami... nasa Condo... O di kaya nasa Bantayan na lang. I hate it here. Pero dito siya lumaki kaya hahayaan ko na.

Busy ang buong bahay nina Jayden. Abala sa paglilinis ang mga katulong nila. Panay naman ang datingan ng mga inorder na pagkain. Mukha atang nagpacater sila. Intimate ang okasyon pero bongga parin ang handa. Parang engagement party lang... He-he. Kung malaman ng mama niya ang tungkol sa iniisip kong engagement party baka masupalpal ako nun.

Wala siyang imik sakin tuwing nag kakasalubong kaming dalawa.

Nang malapit ng mag tanghalian at dumating na ang unang mga bisita (na mukhang gmga Corpuz) ay nagbihis na kami ni Jayden. Syempre, excited ang lahat na makilala ako dahil iyon naman talaga ang rason ng party na ito.

Pagkatapos naming magbihis ay dumiretso na kami sa garden kung saan naroon ang mga bisita. Agad kaming dinumog.

"Jayden!!! Talagang Corpuz na Corpuz ang dating! Ang gwapo gwapo mo!" Sabi ng isang tita niya.

Nasa likod lang ako ni Jayden at kinakabahan ng bongga dahil sa dami ng matang nakapasada saming dalawa.

"Dahil yan may dugong Sy siya, noh!" Umirap ang isang intsik sa nagsalita.

Dinumog pa siya lalo ng mga pinsan niya.

"Ah, eto nga pala si Charity Rama." Sabay pakita niya sakin. "Corpuz." Kinindatan niya ang nagtawanang tita, tito at mga pinsan niya.

"Ang bilis talaga! Hindi mo man lag kami inimbita!" Anila.

"Next month magpapakasal ulit kami sa Cebu." Sumulyap si Jayden sakin at ngumisi.

Isa-isa ko rin silang nginitian.

"Ang ganda naman nitong girlfriend mo, Kuya." Sabi ng isang bata.

"Wife, Althea." Pagtatama ni Jayden sa bata.

Nakita kong pumula ang pisngi nung bata at tinitigan ako. Nginitian ko siya at kinawayan. Halos tumakbo siya sa hiya sakin. Hindi ko naman alam kung bakit.

"Saan ka nag college, Charity?" Tanong ng ka-edad ni Jen na pinsan ni Jayden sakin.

"Sa University of San Carlos." Sabi ko.

Tumango siya at ngumisi, "Dyan nag aaral ang crush ko noon. Baka kilala mo?"

"Hmmm... Malaki yung USC, eh. Kaya hindi ako sigurado."

"Ay? Ganun. Kasi ang alam ko sikat yun... Uhmm... Ilang taon ka na nga ba?"

"Twenty-one." Sagot ko.

"Kung ganoon, ka-batch mo talaga." Aniya.

"Ano bang pangalan?" Tanong ko.

"Chancellor Jory..." Nag isip siya.

Nanliit ang mga mata ko.

Wala ng iba. I'm sure of that.

"Rama."

Napatingin siya sakin nang nakaawang ang bibig, "Kilala mo?"

"Pinsan ko." Mas lalong nanliit ang mga mata ko.

Why Do You Hate Me? (To be Published under Majesty Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon